BLIND ITEM: Umariba na naman ang pagiging highhanded ng isang CPA (time and again, our reference to her ay hindi isang certified public accountant kundi isang currently popular actress).
Highhanded in the sense na imbes na sakyan dapat ng aktres na ‘yon ang mga isyu to drumbeat her forthcoming show ay nairita pa sa inihandang treatment sa kanyang interview. ‘Yun ay sa kabila ng inaprubahan nang interview handle ng isang departamentong naatasan doon.
Simple lang naman ang ‘ika nga’y mechanics ng interbyung ‘yon sa CPA para magmukhang disimulado o softsell ang promo ng kanyang aabangang show.
Let’s face it, the “now” audience is more discerning that they’re able to tell a virtually promotional segment from an intriga-flavored one na mas gusto nilang pag-aksayahan ng panahon.
Nadismaya ang kahitad-hitarang hitad sa mga tanong. Obvious bang hindi namin realized kung bakit?
Self-balloon siguro ng CPA, “Sa ganda na lang tayo magkaalaman… huwag na sa Inglisan dahil lost ang beauty ko!”
At least, she’s honest enough to admit that she’s just a woman of form, and not of substance. Dahil diyan, saludo kami sa ‘yo, Rowena Madrigal!
By Ronnie Carrasco