Sikat na aktres, plastik ang dating sa TV reporters – Ronnie Carasco

TAMPULAN NGAYON NG mga biruan among TV showbiz beat reporters ang isang sikat na aktres. Narito ang kuwento:

Bida siyempre sa isang event ang aktres na ‘yon, dagsa ang mga magsisipag-cover mula sa iba’t ibang media outlets, kabilang ang isang TV network (na hindi naman nito kinaaaniban).  Isang field reporter mula sa isang early morning news program ang sinalubong ng aktres, sabay excited nitong sinabing:  “Uy, buti na lang, ikaw ang ipinadala.  Kung hindi, hindi ako magpapa-interview.”

Touched naman ang reporter, coming from an actress of her stature ay kulang na lang magsilbing pakpak ang kanyang mga tenga sa abot-langit na papuring ‘yon ng aktres.

Eto na ang sumunod na eksena sa naturang event ding ‘yon.  Isa pang field reporter mula sa TV station pa ring ‘yon, ngunit kumakatawan ng ibang programa, ang buong-giliw na winelkam ng bida pa rin nating sikat na aktres.  “Uy, buti na lang, ikaw ang ipinadala.  Kung hindi, hindi ako magpapa-interview,” sambit ng aktres na parang ini-rewind lang ang kani-kanina’y idinayalog niya sa naunang reporter.

Touched din siyempre ang TV reporter, kung kaya’t ibinahagi naman niya ang kanyang kuwento sa kanyang kapwa nag-cover din ng event.  Naloka na lang ang dalawang reporter nang mapagtantong pareho rin pala silang sinabihan ng ganu’n ng aktres.

Mega-ganda pa ba sa tsikang ito?

BAGAMA’T MAY ILANG political analyst na naniniwalang malaki ang bentahe ni Senator Noynoy Aquino in his presidential bid, may ilan din akong nakausap sa kanilang hanay na tahasang nagsasabing it’s going to be a rough road ahead para sa pambato ng oposisyon.

If Noynoy’s sister Kris is perceived to be an advantage, hindi ito ang pananaw ng marami.  “Kris is going to ruin her brother’s campaign,” ang malutong na pag-aanalisa nila.

Kunsabagay, halatado naman kasi ang karakas ni Kris shortly before and after idineklara ng kanyang kuya ang pagtakbo sa karerang pampanguluhan, capitalizing on the 40th day since their mom passed away.

Ayon pa sa aking nakausap, while the so-called Cory magic is still strongly felt, baka raw hindi ito ma-sustain until the election period.  “Sawa factor” over the present euphoria might get in their way.

Huwag din daw magkaroon si Noynoy ng kumpiyansa kay Kris despite her high-profile celebrity status.  Sa ginagawa raw kasi nitong panghihimasok ultimo sa pananamit at hitsura ni Noynoy, hindi malayong lalampas pa si Kris sa itinakdang linya lang ng kanyang pangingialam.  Idagdag pa na pati ang lovelife ni Noynoy ay sinasaklawan na ng kanyang bunsong kapatid.

“Actually, it’s a combination of everything,” sey ng aking source if only to get his message across that Kris can be Noynoy’s liability more than his asset.

Personally, pansin ko ang pagiging friendly ni Kris these days.  It’s all put-on.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleGuesswhodoes: Dino Imperial does the ‘Break Dancing’
Next articleStars Candid: Star for All Seasons at Comedy Queen, nagkagulatan

No posts to display