NAGPATAWAG ng meeting noong Lunes (June 29) ang comedian-TV host na si Allan K para sabihin ang isang malungkot na balitang tuluyan nang magsasara ang comedy bar na Zirkoh at Klownz.
Si Allan K ang nagma-may-ari ng sikat na comedy bar sa bansa na pinagtatrabahuhan ng mga stand-up comedians kung saan ang marami sa kanila ay naka-cross over din sa pelikula at telebisyon. Si Lito Alejandria naman ang tumatayong business manager ng lugar.
Nagpadala ang dalawa ng sulat sa kanilang mga empleyado bilang opisyal na pahayag tungkol sa pagsasara ng Zirkoh at Klownz.
“We regret to inform you that our company, Klownz Comedy Bar Inc., is facing a tremendous economic financial loss brought about by the Corona Virus 19 Pandemic in the Philippines.
“And because of this unprecedented uncertainty, our overhead expenses cannot be met, that is the reason that the company resorted to closure effective July 29, 2020.
“As much as we want to give you the statutory separation pay as provided by the law, the company can no longer afford the same as we are now in the verge of bankruptcy and we do not have enough funds to pay the same.
“We can only offer the following compensations:
“1.Unpaid salary
“2.13th Month Pay (Prorata)
“3.Cash assistance from the company.
“You are no longer required to work on July 29, 2020.
“Thank you and we appreciate the service you have rendered to the company,” ang buong nilalaman ng sulat.
Hindi naman napigilan ng staff at mga stand-up comedians ang mapaiyak na wala na ang sikat na comedy bar na pinagtrabahuhan nila nang matagal ding panahon.
Eighteen years ding tumagal ang operasyon ng Klownz na nasa Quezon Avenue, Quezon City, samantalang 16 years naman ang Zirkoh na nasa Tomas Morato, Quezon City.
Labis na naapektuhan ang business ni Allan K nang magsimula ang covid-19 pandemic. Wala siyang choice kung hindi isara ang Klownz at Zirkoh dahil sa matinding pagkalugi at sa walang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat.
Marami kaming mga kaibigang nagtatrabaho sa Zirkoh at Klownz na ngayon ay nangangamba kung saan sila kukuha ng panggastos at ipantatawid nila sa araw-araw. Gustuhin man nilang magtrabaho ulit at magpasaya ng audience, pero wala namang available ng venue dahil lahat ay sarado rin.
Ang ilan sa kanila ay gumagawa na lang ng paraan via Facebook Live. Nagpe-perform sila at inilalagay ang kanilang G-Cash number para kung sakaling may maawang mag-donate ay madali silang mabibigyan. Si Kim Idol nga, nag-iba na muna ng raket. Nagtatrabaho siya ngayon bilang encoder sa isang kompanya.
Grabe na talaga ang epekto ng pandemyang ito sa mga taga-entertainment business. Ang The Library, Laffline at Punchline na lang ang matibay na hindi pa nagsasara, pero let’s wait and see sa mga susunod na araw kung matutulad din ang kapalaran nila sa Zirkoh at Klownz.