Sikat na Filipino Scientist sa Amerika, Nagbahagi ng Kaalaman sa mga Kapwa Pinoy!

NAISPATAN NG AMING kamerang-gala sa University of the Philippines Manila ang kilalang scientist-inventor sa larangan ng Pharmaceuticals at Biochemistry na si Dr. Florian Magno-Ward, kasama ang kanyang anak na si Eric Orejana – isa ring scientist – nang magbigay si Dr. Ward ng kanyang Centennial Lecture sa College of Pharmacy ng nasabing premiere university sa bansa.

Kasalukuyan nang naninirahan sa Amerika, kung saan Presidente at Research & Development Director ng FM Ward Technical Consulting Co. sa Chadds Fords, Pennsylvania, USA, nasa bansa si Dr. Ward para ibahagi ang kanyang kaalaman. Nakatuon ang Centennial Lecture ni Dr. Ward sa ‘Hydrocolloids in Pharmaceuticals and Nutraceuticals’ na ginanap sa Maria Cruz-Tancinco Audiovisual Room sa UP Manila College of Pharmacy , kahapon, Oct. 27.

Si Dr. Ward ay nagtapos ng BS Pharmacy (’61), BS Processing Technology (’72) at MS in Pharmaceutical Chemistry (’66) sa UP; at PhD in Food Science major in Biochemistry noong 1978 sa University of Washington.

Nakapaglathala rin si Dr. Ward ng ‘di mabilang na lathalain at siya rin ang imbentor ng isang Patented Emulsifier Product (Patent # 6,455,512) na ibinebenta commercially sa US at ilang bansa sa Asia.

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleFeminine Battle
Next articleSam Concepcion does the ‘Todo Handa’

No posts to display