MABILIS ang pagsikat ng kauna-unahang Pinoy Pop group na SB19. Last year, (August 2019) lang sila pormal na ini-launch kasabay ng kanilang second single na Go Up.
Muling humarap sa entertainment media ang SB19 para sa launching ng third single nilang Alab. In fairness, nanatili naman silang humble. Wala rin kaming napansin na merong yumabang sa kanila or whatsoever.
During their launch, ipinahayag ng grupo na they are open na makipag-collaborate sa ibang artists in the future kung mabibigyan ng pagkakataon. Pero bago raw nila ito gawin ay uunahin muna nilang mas i-establish pa ang kanilang kind of music sa Pinoy audience.
“Siguro may possibility po pero as of now focus po kami sa P-pop pero in the future po open naman po kami sa possibilities. What if mag-promote po kami sa iba’t ibang bansa hindi lang po sa Korea pero po what if sa US din, open lang po kami sa possibilities,” wika ni Josh, isa sa miyembro ng SB19.
Inihayag din ng management team ng grupo na may posibilidad din na makipag-collaborate ang SB19 sa South Korean boy groups.
“Wala po kasi kaming alam sa details pero in the near future po malalaman niyo po ‘yan,” dagdag ulit ni Josh.
Eh, ano naman ang reaksyon ng grupo sa fame na meron sila ngayon?
“Actually po, honestly, hindi po namin feel na sikat po kami. Hindi naman po lahat ng tao kilala kami, hindi naman po lahat ng tao naple-please namin, ‘yun nga po, pero po sa grupo po namin mas fino-focus po namin na ‘yung feet po namin are still on the ground,” pahayag nila.
Samantala, in almost less than a week pagkatapos i-release ng SB19 ang music video nila for Alab ay meron na kaagad itong 1.5 million views. Patunay lang talaga kung gaano sila kasikat ngayon.