[imagebrowser id=52]
NAKAHANAP NG katapat ang acid-tounged judge ng “The X Factor” na si Simon Cowell sa katauhan ng kanyang co-judge na si Demi Lovato!
Kuwento ng isang source, “Demi and Simon are always winding each other up. He loves it when people give as good as they get – and Demi really does! He started off accusing her of being ‘annoying’ and talking too much, now she’s a brat!”
Sa isang audition ng “The X Factor” sa Oakland, ay iritado raw si Simon sa pagko-comment ni Demi nang pagkahaba-haba sa mga “X Factor” hopefuls at sinabihan pa nitong kung maaari ay sagutin lang ang mga contestant ng yes or a no.
Pero palaban daw itong si Demi at sinagot ang beteranong judge ng, “Sorry everyone, he hasn’t had his coffee this morning. He’s in a bad mood. Old people need their coffee.”
Pero hindi pa rin nagpatalo si Simon at sinagot niya na lang ito ng isang malakas na tawa sabay sabi ng “Brat” si Demi!
Hindi pa raw natapos sa ganong eksena ang sagutan ng dalawang judges dahil nagpahayag si Simon na kung magkakaroon daw siya ng aso ay papangalanan daw niya itong Demi, pero hindi papatalo si Demi at nagpahayag ng “If I had a pig, I’d name it Simon… what, I love pigs!”
“ROCK OF AGES” NI TOM CRUISE, FLOP!
FLOPTSINA ANG latest flick ni Tom Cruise at Julianne Hough na “Rock of Ages”!
Ang highly-anticipated big screen adaption of the 80’s Broadway rock musical ay nabigong maka-penetrate sa bock-office, kung saan naka $15.1 million ito sa pagbubukas noong Friday.
Ang animated animal-themed kiddie flick na “Madagascar 3” na bida ang boses nina Ben Stiller at Chris Rock ang siyang nagpataob sa “Rock of Ages”. Pumangalawa naman ang “Prometheus” ni Charlize Theron na me $20.2 million in ticket sales. 3rd ang “Rock of Ages” at pang-apat ang pelikula ni Kristen Stewart na “Snow White and the Huntsman” with $13.8 million.
VANILLA ICE, NAMATAY RAW SA ISANG CAR ACCIDENT!
TIGOK NA daw ang singer na si Vanilla Ice. Sa isang car accident daw namatay ang singer. Gumugulong daw ang sinasakyan ni Vanilla at agad daw namatay.
‘Yan ay ayon sa isang hoax report dahil itinanggi ng “Ice Ice Baby” rapper sa kanyang Twitter account na buhay na buhay siya at hindi siya tigok gaya ng naikalat na tsismis.
“I don’t know who’s spreading this rumor about me dying in a car crash but – IM ALIVE! I have like 30 texts, from mom family and friends,” pahayag ni Vanilla Ice.
Diumano, namatay sa isang single vehicle crash sa Route 80 between Morristown at Roswell ang 44-year old hip-hopster. Nawalan daw ng control habang nagda-drive si Ice (real name Robert Van Winkle), gumugulong ang kotse at namatay si Ice sa lakas ng impact.
Ayon sa source, ang Global Associated News ang pasimuno raw ng panibagong celebrity death hoax.
Hindi lang si Vanilla Ice ang napabalitang namatay na raw. Kamakailan lang ay natsismis din na namatay na rin ang legendary singer na si Tina Turner at maging sina Eddie Murphy, Charlie Sheen, Jeff Goldblum, Jon Bon Jovi ay nabiktima na rin ng mga fake news na ganito.
RIHANNA, NAGPA-TATTOO NG FALCON!
MISTULANG HUMAN canvass na ang katawan ng R&B singer na si Rihanna. May panibago kasing tattoo ang Barbadian artist. Hindi pangalan ni Chris Brown o ni Drake kundi isang Falcon ang panibagong dagdag na tattoo sa 16 nang tattoo na nakalagay sa katawan ni Rihanna.
Sa kanyang tweet, kaya raw Falcon ang kanyang pina-tattoo, “Falcon: a light that always shines in the darkness! Never close their eyes during sleep.”
Ang ilan pa sa mga tattoos ni Rihanna ay ang isang cross sa kanyang leeg, isang gun na naka-drawing sa kanyang ribcage, ilang mga stars sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, musical notes both on her feet, isang word na “love” sa kanyang finger at marami pa.
Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa