NAGSIMULA NA ang UAAP Season 77 Men’s Basketball Finals Game 1 sa pagitan ng Far Eastern University at National University. Nagharap na sa finals ang dalawang nasabing unibersidad matapos matalo ng NU Bulldogs ang Blue Eagles sa isang do or die game nila noong October 1, 2014 sa score na 63-65 matapos ma-block ni Alfred Aroga ang lay up ni Kiefer Ravena na magta-tie sana sa game. Ang National University ay pumapangalawa sa University of Santo Tomas sa mga fourth-seeded team na nalagpasan ang twice to beat advantage at tumuntong sa Finals. Ito ang pagbabalik ng National University muli sa finals matapos ang 44 na taon at susubukang basagin ang 60 na taon na hindi pagkapanalo bilang Champion.
Ang Far Eastern University, kasabay ng do or die game ng Blue Eagles at NU Bulldogs noong October 1, 2014, ay nanalo kontra sa De La Salle University sa score na 67-64. Tabla ang score ng FEU Tamaraws at Green Archers na 64-64, hawak ni Tolomia ang bola at hanggang mahigit dalawang segundo na lamang ay ipinasa ni Tolomia kay Mac Belo ang bola at tumira ito ng tres at pumasok. Naghiyawan ang buong crowd ng FEU dahil sa tres na iyon ni Mac Belo, ang tres na iyon ang nagdala sa kanila sa Finals at ang pumigil sa Green Archers upang madepensahan nila ang titulo noong UAAP season 76 bilang champion.
Noong October 4, 2014 ay nagtuos na sa Finals Game 1 ang dalawang nag-advance para sa Finals, ang Far Eastern University at National University. Ang Blue Eagles sa season na ito ay hindi nanalo kahit sa elimination round pa lamang kontra sa mga NU Bulldogs ngunit ang mga NU Bulldogs naman daw ay hindi pa nananalo sa mga FEU Tamaraws ngayong season. Nasungkit ng FEU Tamaraws ang Game 1 sa Finals sa score na 75-70. Sa first quarter ng game ay lamang ng isang puntos ang NU Bulldogs sa score na 15-14. Nanatili ang kalamangan para sa NU Bulldogs sa second quarter sa score na 38-35. Pagdating ng third quarter ay nag-init si RR Pogoy at tumira ng magagandang lay ups, corner threes at painit na nang painit ang laban at lumamang na ang FEU Tamaraws sa score na 60-50, ang biggest lead of the game nila. Hanggang dumating na ang fourth quarter at nagtagumpay ang mga FEU Tamaraws.
Nanguna si Tolomio na may 15 points, habang si Pogoy ay dinagdagan ito ng 14 points, at 12 points naman kay Iñigo.
Ayon kay Coach Nash Racela ay nagbalik-lakas sila upang makuha ang unang panalo sa game 1 ng Finals, sa pamamagitan ng maayos, tamang laro, at tamang timing upang makuha itong game. Para kay Coach Racela, ang laban sa pagitan ng Far Eastern University at National Univeristy sa UAAP season 77 Men’s basketball ay ang pinakamagandang bagay na nangyari sa UAAP, sa season na ito. Kahit na ang Ateneo at La Salle ang mararaming crowd taun-taon ay kaya ng FEU at NU na tumbasan o higitan ang mga crowd na iyon. Kahit si Coach Eric Altamirano ay nagulat sa suporta na ibinigay ng NU crowd.
Ang Game 2 ay gaganapin sa October 8, 2014, magiging kampiyon na nga ba ang FEU Tamaraws sa Game 2 o babawi ang NU Bulldogs upang magkaroon pa ng Game 3?
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo