BLIND ITEM: PINAGALITAN ng isang production staff ng isang teleserye ang isang “guest” nilang nakilala sa isang talent search.
Pa’no naman kasi, alam naman niyang bawal umebs sa portalet, ang tigas ng ulo. Umebs pa rin. Ba’t gano’n, ‘no? Alam naman nilang ihian lang ‘yon kumbaket ginagawa pa nila ‘yung mali?
“Sorry na lang siya nang sorry, pero ano pa nga ba eh nakatae ka na du’n, ‘no! Nakakahiya nga lang siya du’n, dahil nalaman tuloy ng ibang artista ‘yung katsipan niya.
“Hay, nako…nakaka-turn-off talaga ‘yan. Ba’t me mga taong tanga at nagtatanga-tangahan, ‘no?”
Well, eto nga ang nakakatawa sa kuwentong ito. Ang galing-galing ni “guest” sa kanyang field, ba’t hindi na lang siya nagpamalas ng angking ga-ling para ‘yung “dumi” niya eh maglaho na lang na parang bula, di ba?
Sana, mahulaan n’yo ito, dahil pag hindi n’yo pa ‘to mahulaan, juice ko, baka kayo ang biglang mag-pop out!
NAKUHA NA PALA ni Direk Wenn Deramas ang kanyang bonus kay Boss Vic del Rosario, dahil certified blockbuster hit ang Who’s That Girl?
According to Viva staff, in six days’ time ay almost P60 million ang gross sales ng movie na ito nina Luis Manzano at Anne Curtis, kaya lahat ay may bonus.
Eh, timing naman si Direk Wenn, dahil kagabi rin siya umalis patungong bakasyon sa US, kaya may pocket money ang lola n’yo.
Nandu’n din sa victory party sina DJ Durano, Bobby Yan, John Lapus, Eugene Domingo and Ms. Dina Bonnevie.
Si Anne, hindi namin kinaya. Umawit talaga siya nang walang kaabog-abog, dahil recording artist na raw siya. Kaya nu’ng umawit siya ng “Alone” ay natagpuan na lang niya ang sarili niyang nag-iisa na lang siya sa presidential table.
Hahaha! Only Anne Curtis can get away with it bilang passion niya talaga ang pag-awit.
“Kaya sa set, pag kumakanta na si Anne, ibig sabihin, naiinip na ‘yan at tumatagal na ang set-up.”
Baka nga ‘yun pa ang naging “lucky charm” ng Viva, ‘yung pagi-ging “recording artist” ni Anne, eh. Congrats!
NA-DELAY PALA ANG shooting ng Tumbok (horror-suspense), dahil nagka-dengue si Ryan Eigenmann. Para ngang hiyang-hiya si Ryan nu’ng pasyalan namin sa second to the last day shooting ng movie ni Cristine Reyes, eh.
Wala naman siyang dapat na ipag-alala, eh, hindi rin naman niya ginustong magka-dengue, ‘no! Buti nga, gumaling siya’t naagapan, ‘no! Kung hindi, “sementeryo” ang tumbok niya.
Sila nina Carlo Aquino ang kasama ni Cristine sa horror-suspense na ito na ang direktor ay si Topel Lee.
Ba’t ba Tumbok ang title ng movie?
Para pala itong Feng Shui pero iba ang atake ni Direk Topel, kaya sa mga susunod na araw namin itsitsika sa inyo kumbakit Tumbok.
Mahiwaga, ‘no?
Kung meron kayong time, please read my blog sa http://www.ogiediaz.blogspot.com at sundan kami sa twitter @ogiediaz.
Oh My G!
by Ogie Diaz