NABALITA, PERO MABILIS namang sinalag ng isang young actor ang kanyang “squirky behavior” at a recent taping ng kinabibilangan niyang teledrama. Aniya, ang kanyang ginawa (I won’t go into specifics) was a case of miscommunication, plain and simple.
Kaagad din siyang ipinagtanggol ng kanyang leading lady, saying there was no other instance in the past in the actor’s already five years in the business na nagluka-lukahan ito. Pero walang kamalay-malay ang aktres na siya pala ang dahilan ng pagsesentimyento ng aktor sa produksiyon.
May kinalaman ‘yon sa kanilang taping hours. Hanggang alas-dose lang kasi ng hatinggabi maaaring magtrabaho ang aktres, bagay na pinapalagan ng kanyang leading man who doesn’t enjoy the same work privilege. Himutok ng aktor, bakit merong ganoong preferential treatment ang aktres, gayong pare-pareho lang naman silang nagtatrabaho?
Silently, ito ang ipinaghihimagsik ng kalooban ng young actor, hence, his “mystery-shrouded disappearance” na ikinaloka siyempre ng production staff. Siguro, ang katuwiran ng aktor, kung may “arrival,” meron ding “departure.” Talk about airline terminologies.
KUMBAGA SA PUNIT na damit, marami pa ang susulsihan sa napunit ding pagkakaibigan sa pagitan nina Pauleen Luna at Cristine Reyes. While Pauleen and Maxene Magalona already patched things up, seeing Pauleen and Cristine smoke the peacepipe, ‘ika nga, is like seeing planet Mars inhibited by earthlings.
“Kung willing siya,” ang ibinatong sagot ni Pauleen sa taning kung bukas siya sa pakikipag-ayos kay Cristine. Tulad ng napapabalita, Cristine is one of the members of the “infamous” cyber gang called Ampalaya Anonymous.
At sa tanong kung nais bang mapabilang ni Pauleen sa grupo kung iimbitahan siya na maging miyembro nito, sey niya: “I have enough friends already.” Ang point lang naman ni Pauleen, ang pagpapakita raw ng katapangan ay hindi lang sa pamamagitan ng Twitter account, kundi maging sa harap-harapan din.
Sapul du’n si Cristine na halata naman daw na siya ang pinarurunggitan ng Twitter account nito, pero daig pa raw ang maamong tupa sa kaswitan ‘pag nagkikita sila. “If I did snub her at an event, sinadya ko talaga ‘yon, dahil hindi naman ako plastic, eh!”
HINDI ITINAGO NI Quezon City Councilor Aiko Melendez na masama ang kanyang loob sa ilang reporter-friends. Hindi na naming babanggitin pa ang partikular na lady reporter na nagsulat sa kanyang kolum (hindi rito sa Pinoy Parazzi) na nanghihingi raw si Aiko ng tulong mula kay Herbert Bautista.
“That’s not true,” bahagi ng text message ni Aiko sa akin. Bale ba, ang nakabasa pa raw ng item na ‘yun ay ang kanyang ina, si Mommy Elsie Elardony who get apparently hurt. “Sana lang, totoo ‘yung mga isinusulat ng iba. Hindi ako bitter nu’ng nakaraang eleksiyon, all I want is the truth to come out,” dagdag pa ni Aiko
DUE TO THE viewer’s popular request, nasa unang linggo na nga ang Koreanovelang My Wife Is a Superwoman tuwing 6:30 ng gabi on TV5. From 48 to 60 episodes extension nito sa Korea pati na rin sa ‘Pinas. From tanghali, nasa primetime na ito for your viewing pleasure.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III