MAY BAGONG local film festival ang dapat abangan ang lovers and supporters of quality Pinoy indie films.
Ito ay ang Sinag Maynila, kunsaan Creative Producer ang Cannes 2009 best director na si Brillante Mendoza, at ang producer nito ay ang Solar Entertainment ni Mr. Wilson Tieng.
Kilala ng lahat sa industriya ang contributions at achievements ni Direk Dante, and we’re so happy he has his own local filmfest now, at isang pasasalamat din siyempre kay Mr. Tieng sa pagsusugal niyang ito, para sa sining ng pelikulang Pinoy. In fact, ang tagline ng Sinag Maynila ay “Pelikulang Pinoy, Pusong Pinoy”, kunsaan ang objective nito ay upang lumikha ng mga de-kalibreng kuwentong Pinoy na sasalamin sa Filipino culture na maaaring “global” din ang mensahe ng pelikula.
Ngayong March 18-25, 2015 na nakatakdang itanghal ang Sinag Maynila sa piling mga sinehan sa Metro Manila, and hopefully sa ilang key provinces ng bansa?
Para sa pioneer batch, anim ang aabangang pelikula, mula sa ilan sa coolest and award-winning indie filmmakers ngayon. Ang mga ito ay: Death by Gokkun ni Direk Joselito Altarejos, Bambanti ni Direk Zig Dulay, Imbisibol ni Direk Lawrence Fajardo (sa Japan nag-shoot), Ninja Party ni Direk Jim Libiran, Balut Country ni Direk Paul Sta. Ana, at Swap ni Direk Remton Zuasola.
We certainly hope and pray sa tangkilikin ito ng mga Pinoy audience. Dahil after all, ang Pinoy indie films na naman ngayon ang nagbibigay karangalan sa Pinas dahil for some years now, ang mga ito na ang lumalahok sa international film festivals — at namamayapagpag.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro