NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Irereklamo ko lang po iyong may-ari ng junkshop dito sa Onyx corner Zobel, San Andres Bukid, Manila sapagkat wala nang madaanan ang mga sasakyan dahil nakaharang iyong mga truck nila at kalakal sa daanan. Nahihirapan pong dumaan ang mga sasakyan pati ang mga tao. Kung minsan ay sinasara pa nila ang kalye lalo na kapag maraming kalakal ang binabagsak. Wala naman pong ginagawang aksyon ang barangay rito.
- Isusumbong ko lang po iyong kalye rito sa Fatima 3, San Jose Del Monte, Bulacan dahil hindi na po madaanan ng mga sasakyan. Ginawa po kasing basketball court. Dito lang po ito sa tabi ng barangay hall.
- Gusto ko po sanang ipaabot at ihingi ng tulong ang tungkol sa pangongolekta ng P20.00 sa bawat estudyante araw-araw ng isang guro rito sa Comembo Elementary School sa Makati City. Matagal na po niya itong ginagawa at ang mga bata ay hindi makapapasok kapag hindi makapagbibigay ng P20.00. Sana po ay matulungan ninyo kami.
- Ako po ay isang concerned citizen dito sa Brgy. San Jose Labrador, Pangasinan, irereklamo ko lang po iyong ginagawang pagsusunog dito sa amin. Wala pong makapagsumbong dahil natatakot po sila. Marami na po kasing nagkaka-asthma na mga bata at matatanda dahil sa usok. Sana po ay maaksyunan po ninyo.
- Idudulog ko lamang po ang matagal nang problema rito sa sa aming kalye rito sa Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City. Barado po kasi ang kanal at kaunting ulan lang bumabaha na. Sana po ay maaksyunan.
- Ang public school po sa aming bayan ng San Mariano, Isabela ay naniningil ng P300.00 para sa project sa school. Saka every year ay naniningil sila ng P200.00. Hindi po ibinibigay ang card ng mga estudyante kapag hindi nakabayad.
- Iko-complain ko lang po ang principal ng San Antonio Elementary School sa Bacolor, Pampanga dahil pinalitan po niya ang susi ng computer room at principal’s office ng school at siya lang ang nag-iisang may hawak ng susi. Paano po magagamit ng mga bata at teacher ang mga computer kung siya lang ang may hawak ng susi? Hindi naman siya araw-araw na pumapasok sa school.
- Reklamo ko po ang paniningil ng P400.00 para sa police report noong nagpa-blotter ako sa police station sa Fairview. Tama po bang may bayad at ganoon kalaki ang sinisingil?
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo