BLIND ITEM: SINO naman itong probinsiyanong young actor na tisoy at katas ng isang reality-based artista search na habang tumatagal sa kalakaran ay paliit nang paliit ang nakukuhang bayad mula sa kanyang mga parokyanong bading sa kanyang bonggang-bonggang serbisyo?
Sing and dance raw ang drama ni young actor na sa maamong mukha ay hindi mo iisiping magagawa ito ng isang guwapo at batang aktor. Pero sad to say, mas magaling pa nga raw ito sa bading kung maglinis ng tubo at magpaligaya sa kanyang nagiging kostumer.
Mula 60K, down to 50K, down to 40K, down to 30K, down to 20K, down to 10K, down to 5K, down to 3K, ngayon ay maikakama mo na raw ang guwapitong young actor sa tumataginting at naghuhumindig na halagang 2K na lang. Tsika nga ng aming source, masyadong gamit na raw kasi sa dami ng bading na dumaan sa bagets at mukhang napagsawaan na kaya naman hanggang 2k na lang ang ibinibigay rito.
No choice daw si young actor dahil wala naman siyang proyekto sa kanyang home studio, kaya wala siyang puwedeng gawin kundi tanggapin na lang ito at nang sa gayon ay may pang-suporta siya sa kanyang bisyo, ang pagdodroga.
Minsan na ring umamin sa telebisyon ang batang aktor na gumamit siya ng droga at tumigil na siya, pero ang tototo sa likod ng kamera ay continuous pa rin itong nagdodroga at ngayon ay mas grabe pa. Kaya naman ang ending ay hindi na ito binibigyan ng proyekto ng kanyang home studio.
Kung makikita mo raw si young actor ay sobrang payat na ito at pakalat-kalat na lang sa sa mga bar sa bandang Timog at Tomas Morato, kasa-kasama ang ibang barkada na gumagamit din ng droga. Dito raw humahanap si young actor ng kanyang magiging kostumer. At kahit payat daw si young actor ay mababanaag pa rin dito ang kaguwapuhan, kaya naman daw sa bawat lakad nito ay hindi siya nasi-zero at nakakukuha ng ‘di lang isa, kundi dalawa hanggang tatlong kostumer sa isang gabi. ‘Yun na!
NADISGRASYA ANG ISA sa cast ng MyDSL na si JR De Guzman sa kanilang production number sa PO5 last Sunday, Oct. 17, sa kanilang bagong tahanan sa Broadway Centrum. Kaya naman after the show ay dali-dali itong isinugod sa ospital sa VRP Medical Center para matingnan ang lagay ng batang aktor.
Ang siste, habang ginagawa raw ng group ni JR ang kanilang production number, bigla na lang itong natapilok, pero dahil on going ang show ay hindi muna ininda ng young actor ang sakit na nararamdaman sa paa at tinapos muna nito ang kanilang production number. Pero after ng kanilang number, dire-diretso itong pumunta ng dressing room na paika-ika, at doon na nito naramdaman ang sobrang pananakit ng paa.
At dahil sa nangyari, hindi na muling nakalabas pa ng stage ang batang aktor at nanatili na lang sa dressing room. After ng show, nagdesisyon na ang EP ng show na si Nelson na dalhin na sa malapit na pagamutan si JR.
HINDI INAKALA NG executive ng GMA-7 na si Ms. Jenny Donato (GMA Artist Center) na ang sobrang bait at tiwala sa isang kasambahay ang magiging mitsa para nakawan sila nito. Alas-dos daw ng madaling-araw nang nakawan sila ng bago pa lang na katulong na nagngangalang Mary Jean Alinio, na tumangay ng isang cellphone at mga personal na gamit.
Nagising na lang daw si Ms. Jenny na wala na si Mary Jean at nawawala na ang kanilang cellphone at ilang importanteng gamit at tangay-tangay na nito. Mabuti na lang daw at ipinagpapasalamat ni Ms. Jenny na hindi sila sinaktan ng kanyang anak nang maalimpungatan ito at makita na bukas ang kanilang pintuan at gate at wala na ang kanilang katulong.
At kung nagkataon daw na napasarap ang kanilang tulog, puwedeng mangyaring pasukin sila ng mga magnanakaw, mabuti na lang daw at nagising siya at nalaman kaagad ang ginawang pagnanakaw ng katulong. Bago pa lang daw si Mary Jean sa kanila.
Kaya naman daw pinag-iingat kay Mary Jean ang iba pang taong malapit, kung sakaling may makakita sa kanya at mag-apply ito sa kanila ng trabaho. Dahil baka mangyari rin sa kanila ang ginawa ni Mary Jean na pagnanakaw.
John’s Point
by John Fontanilla