“SING GALING” NG TV5, TAMPOK ANG CELEBRITIES SA BAGONG SEASON

DAHIL matagumpay ang comeback ng “Sing Galing” ngayong 2021, ang original videoke singing contest ng TV5, nag-new season na ang nasabing show and since last Sept. 18, inilunsad na ang “Sing Galing:  Sing-lebrity Edition.”

Hosted by Randy Santiago, K Brosas, and Donita Nose, ang new edition ng nasabing nakakaaliw na program sa Kapatid network ay magsho-showcase naman ng mga most well-loved local celebrities and social media personalities!

“Sing Galing: Sing-lebrity Edition” provides the fun, laughter, music and excitement na kakaaliwan ng televiewers na tunay namang kailangan ng publiko sa panahong ito ng pandemic crisis at pagkabagot o lungkot.

Ang maganda sa show, the celebrities get to sing and play for their chosen beneficiaries or “bidaficiaries”.  Una nang nakipag-tagisan ng paghirit at katatawanan sina Jayson Gainza, Baby Boobsie Wonderland, at ang “BL cutie” na si Paolo Pangilinan.

Retained pa rin ang OPM legend na si Rey Valera as the head of the judges, pero this time ay pasok na rin bilang mga “jukebosses” (judges) ang orig OPM heartthrob na si Dingdong Avanzado, at ang mga batiking singers-comedians na sina Ethel Booba at Allan K, na nakilala ng publiko na galling rin sa mga sing-along comedy bars noon.

As with previous seasons, maglalaban-laban ang three celebrity guests sa tatlong rounds, at kung sino ang win ay pasok sa semi finals.

Every Saturday, the sing-lebrities will compete in the following rounds:  Random-I-Sing: Kantarantahan, Hula-Oke Ka Lang D’yan? and the final round, Duelo-Oke Extreme.

Once the grand Bida-oke Sing-lebrity of the Night is declared, they will get the chance to win for their chosen bida-ficiary in the bonus round: A-Sing-Tado Level Up. The lucky chosen bida-ficiary can either be an individual or a group.
Dapat abangan ng fans ang celeb guests ng show na sina Alex Medina, Kris Bernal,  Hero Angeles, Joseph Bitangcol, at ang mga wacky comedians na sina Ate Gay at MC Muah.

Watch as your favorite stars bring out their vocal prowess and vie to become the next Bida-oke Sing-lebrity on “Sing Galing: Sing-lebrity Edition”, every Saturday at 6:00 PM on TV5.

Previous articleCarmi Martin malaki ang pakinabang sa pag-inom ng Yamang Bukid insulin plant tea at turmeric tea
Next articleAriella Arida pinangalan ang Top 3 niya sa 2021 Miss Universe Philippines

No posts to display