HINDI NA namin babanggitin pa kung ASAP 2012 o Party Pilipinas ang pinanonood namin nang mapansin naming ‘yung isang singer ay parang ang lakas ng tama habang umaawit.
Hindi naman kami addict, pero naipagtanong na rin namin kung ano’ng itsura ng isang kung hindi man addict ay gumagamit lang. Ang pungay ng mga mata ng isang singer.
Medyo nababawasan na ang kinang ng boses nito, dahil siguro sa kahihithit ng cocaine. Iniistaylan na lang ang pag-awit. Naisip niya siguro, tutal, sanay na naman ang mga tao sa kalikutan niya sa entablado.
Pero hanggang kelan siya gano’n sa stage?
Tingnan mo nga naman ‘yan, ‘no? ‘Yung ibang wala namang maipagmamalaking boses, hindi naman gumagamit. Siya, feeling niya, ‘yun ngayon ang uso. Titira muna bago umawit.
Hay, nako… pasensiya na kayo at hindi namin masasabi ang gender sa inyo ng tinutukoy naming singer. Basta hindi bading, hindi rin tomboy.
Hanggang du’n na lang.
(By Ogie Diaz)