SAYANG NAMAN kung may katotohanan ang balita na na-A to A (as in airport to airport) ang magaling na singer na si Wency Cornejo nang pumasok siya sa US Immigration recently.
Ayon sa kuwento ng isa sa mga dapat sana ay local producer ni Wency sa kanyang series of shows sa Amerika, during the interview ng US immigration officer sa kanya kung ano ang gagawin niya sa US, sagot nito ay magso-show siya.
Sa Amerika, para walang hassle kung singer or artista ka at magpe-perform, dapat may work permit para makapag-trabaho ka kahit kakanta ka lang or aakyat sa entablado at kumaway.
Ayon sa source namin, ang hawak na visa ni Wency during the interview upon his entry ay ang Tourist Visa lang niya at hindi ang working visa na nire-require ng US Immigration sa lahat ng magta-trabaho sa kanilang bansa.
I just wonder na kung walang possession ng working visa ang singer, bakit niya sinabi ang tunay na dahilan na he will be performing na ang sabi ng isa sa mga producers niya ay on the process pa ang kanyang working visa.
We’ve learned from other US sources na dahil sa pangyayari, banned diumano for 10 years ang singer to enter the US at na-cancel ang kanyang existing US Tourist Visa.
Dahil sa pangyayari, ginawang replacement sa show na hindi nagawa at magagawa ni Wency ay ang Introvoys na isang sikat na banda in the 90’s na kasabayan ni Wency noon (member siya ng After Image), na ngayon ay naka-based na sa Amerika ang mga members ng grupo.
Reyted K
By RK Villacorta