ISA TAYO sa naimbitahan sa SM Tunasan sa Muntinlupa noong nakaraang Sabado para sa event na pinamagatang Sining Laya. Ito ay ang maagang selebrasyon ng Independence Day ngayong Hunyo. Itinanghal sa event ang mga malikhaing gawa ng mga artists na miyembro ng Life ‘n Arts sa pangunguna ni Lerma Julian, na siyang malikhaing haligi ng organisasyon. Maraming tao ang dumalo at nang kaagad akong nakita ni Lerma Julian, agad akong inimbitahang umakyat sa stage upang ipakilala sa audience.
Sa proyektong ito, ang magandang karanasan na nasimulan ay patuloy na pinalawig at ibinahagi sa mga tao at grupo na nais maging alagad ng sining… bata man o matanda ay pantay-pantay sa larangan ng sining, galaw, at musika. May grupo ng acoustic sa panuntunan ni Coach Yvan Lance De Guzman na nagbigay-inspirasyon sa mga artists na gumuhit sa dalawang mananayaw ng ballet na nagmula sa Acts Manila director na si Rean Tirol. Ang tatlong magkakapatid na sina Alyssa, Jolo, at Julian ay umawit din sa saliw ng violin. Naging matagumpay ang pagtatanghal at nagpiyesta ang mga mata ng mga tao sa SM Muntinlupa sa kalayaan ng pagpipinta ng mga bagong alagad ng sining. Tinatayang patuloy na darami ang kumikilala at sumusuporta sa larangan ng sayaw at sining sa patnubay ng grupo ng mga batikang pintor ng Las Piñas sa pamumuno ni Dan Libor, Reymar Conmigo, at iba pang artist tulad nina Jun Dulay, Chris Pizzaro, Romy Canda, Lito Mondejar, Nick Dulay, Nikulas Rhem Ruga, Lebajo, at Lee Saga.
KAMAKAILAN AY umugong ang balita sa tampuhan ng mag-mommy na Sharon Cuneta at KC Concepcion. Nataon namang nasa SM Megamall ako noong isang linggo upang maghanap ng venue sa exhibit, nang makita ko ang benefit exhibit sa Atrium ni KC at photographer na si Mark Nicdao para sa mga nasalanta ng lindol sa Nepal. Ito ay bilang si KC ay ang United Nations World Food Programme ambassador ay ninais niya sa pamamagitan ng mahuhusay na larawan ni Mark Nicdao ay madama ng mga tao ang malaking pangangailangan ng bansang Nepal upang makaahon sa pinagdaanang trahedya.
Dahil umano sa post ng isang taong nagngangalang Dany Pascual sa Facebook ay sumagitsit ang mga tsika at mga opinion ayon sa sinasabing ‘unnecessary sexy poses’ ni KC na kung saan ay dagli namang nag-react ang Megastar upang ibigay ang kanyang side bilang isang ina.
Marahil, labag man o nasa panig si KC ni Sharon, ginawa niyang magsalita upang ipadama na hindi siya nagkulang upang palakihing maayos si KC sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan.
Sa isang parte, hindi ‘di naman sapat ang mga sexy pictures ni KC upang i-discriminate ang tunay na pagkatao niya. Marahil, sa likod ng mga larawan ay nakatago ang isang magandang puso ng isang pilantropong KC Concepcion.
Ang masakit lang nito hindi alam ng mga nakikinig at nakikisawsaw sa isyu kung anong buhay at relasyon ang kanilang nilalagyan ng lamat. Ang mag-ina na nagsama sa hirap at ginhawa ay mahirap sirain ng mga negatibong intriga. Pero kung mabasa ito ni KC Concepcion, isa ako sa handang makinig sa kanyang panig upang maliwanagan ang isyung ito. Sayang nga lamang at sana ay nakapaghintay ako sa Atrium upang ma-one-on-one interview ko siya, maging sa kanyang pagiging Ambassador ng World Hunger program ng UN.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, email: [email protected], cel. no. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia