ANG BUMIKTIMA po sa akin ay isang kamag-anak ko na ahente ng isang ahensiya. Legal po ang ahensiya pero ma-tapos akong magbayad ng placement fee ay hindi na gumalaw ang aking papeles. Hanggang ngayo’y ayaw nilang ibalik ang aking pera gayong wala naman pala silang job order. Sino po ang dapat kong kasuhan sa kanila?—Jeffrey ng Marikina City
SIYEMPRE, ANG unang dapat mong kasuhan ay ‘yung ahente na siyang nag-recruit sa iyo.
Sabay mo na ring sampahan ng reklamo ang mga opisyales at mga tauhan ng ahensiyang pinuntahan mo. Kahit pa nila ikaila na tauhan nila ang ahente, idemanda mo pa rin sila at sa korte na lang nila patunayan na wala silang kinalaman sa illegal recruitment. Maaaring ginamit ng ahente ang korporasyon bi-lang pantakip sa kanyang operasyon. O ginamit ng korporasyon ang ahente para ‘di sila sumabit sa kasuhan sa bandang huli.
Kahit lisensiyado o legal ang isang ahensiya, maaaring ito ay nagsasagawa ng mga bagay na iligal.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo