AKTIBO PO ako sa isang NGO na patuloy na tumutulong sa mga OFWs at mga nagbabalak mag-abroad. Madalas itanong ng mga aplikante kung anu-ano ang mga gastusin na sagot nila at ano naman ang sagot ng employer. Halimbawa, naitatanong nila ang gastusin sa pagpoproseso ng visa, pamasahe sa eroplano at iba pang gugulin. Sabi kasi ng mga ahensya, ‘pag ‘di sila naningil sa mga aplikante ay wala na silang kikitain. Ano po ang isasagot ko sa kanila? — Lorelei ng Malate, Manila
ANG BATAS mismo ang nagtatakda kung ano ang sagutin ng mga manggagawa at kung ano ang sagutin ng employer/principal. Narito ang ilan sa mga gastusin ng employer o principal: 1) Visa; 2) Pamasahe sa eroplano; 3) Bayad sa mga proseso sa POEA; 4) at Membership fee sa OWWA.
Ganito rin ang regulasyon pagdating sa mga marino. Hindi awtorisado ang ahensya na ma-ningil sa mga seaman.
Hindi maaaring sabihin ng mga ahensya na malulugi sila sa kanilang negosyo kapag ‘di nila sisingilin ang mga ito sa aplikante. Hindi totoo ito. Ang pangkaraniwang ginagawa ng mga ahensya ay binabawi nila ang gastos sa pamamagitan ng pagsingil sa mga employee o principal sa abroad.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo