Sino Ang Sumbungan?

DITO PO sa Middle East ay matagal nang inirereklamo itong isang POLO (labor attache) dahil sa kanyang masamang pakikiharap sa mga OFW. Isusulat ko po sa hiwalay na sulat ang detalye ng kanyang pang-aabuso. Pero balita po nami’y malakas siya sa DOLE kaya ‘di maalis. Kanino pa po kami puwedeng magsumbong laban sa kanya? — Digna ng Malabon City

 

ANG POLO ay nasa ilalim ng DOLE kaya puwede kayong dumiretso ng pagsusumbong doon. Pero kapag nasa abroad ang isang POLO, siya ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DFA sa pamamagitan ng embahador natin doon. Kaya puwede ka ring magsumbong sa DFA para kagyat na maaksyunan ang inyong reklamo.

Mababago Pa Ba Ang Kontrata?

 

DUMATING NA po ang kontrata ko para sa abroad. Kaya lang po ay may napansin akong ilang bagay na dapat baguhin, lalo na ang may kinalaman sa tirahan o lodging namin. Maaari po ba akong magmungkahi ng pagbabago sa kontrata? — Dennis ng Zamboanga City

 

PUWEDE. BAGO ka pumirma sa kontrata, tiyakin mong naintindihan mo ito at kailangang kusang-loob ang pagpirma mo. Kung may mga reserbasyon ka, maaari mo itong iparating sa employer. O kaya naman, makipagkonsulta ka sa POEA para matulungan ka sa pagpapasok ng mga mungkahi mong pagbabago basta makatuwiran ang mga proposal mo.

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].  

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleSino ang hudas na kamag-anak ni Mayor?
Next articleKapalmuks

No posts to display