SINO ITONG ISANG “instant celebrity” na produkto ng isang search ang sinabi ng aming friend na, “Ang baho ng buhok niya.”
Akala raw niya, siya lang ang nakaamoy, pero may iba pa pala. “At hindi lang ‘yan, Mama Ogie,” patuloy pa ng aming kausap, “’Pag bine-beso siya, alam mo ‘yung ‘di ba, ‘pag cheek to cheek, parang ang lapit ng bibig mo sa tenga niya?
“Ilambeses nang nangyayari na may amoy ang bandang tenga niya. Alam mo ‘yung amoy tulok?” napangiwi kami, “Wa exaj, ‘yun na ‘yon.”
Ang kinis daw ng mukha, mestiso, “Pero nakakalokah, ang baho ng buhok at ‘yung sa bandang tenga niya.”
Hindi muna namin ito huhusgahan, ha? Bumebeso rin kasi sa amin ito, eh. Baka naman hindi nakaligo that time!
“Naku, teh, ano ka ba? Dalawa na nga kaming nakaamoy sa magkaibang araw, eh. Ano ‘yon, parehong araw na hindi nakaligo?”
Hindi muna kami magbibigay ng clue, dahil baka magalit ang hukbong sandatahang lakas ng mga tagahanga nito, mahirap na. Hindi rin naman kami mapanghusga, ‘no!
(Ogie Diaz)