Sinuntok ng Katrabahong Propesyunal

Dear Chief Acosta,

 

MAGANDANG UMAGA po! Magtatanong lang po ako sa inyo tungkol sa nangyari sa akin na hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin, kasi pakiramdam ko ay hindi ko naipaglaban ang sarili ko sa ginawa sa akin. Sinuntok po ako ng aking katrabaho na pharmacist sa loob ng pharmacy habang nasa counter ako. Isa po akong salesclerk. P’wede pa po ba akong magsampa ng kaso laban sa kanya sa Professional Regulation Commission kahit dalawang taon na ang nakalipas mula noong mangyari ang insidente? Sana mapayuhan ninyo ako sa dapat ko pong gawin.

Maraming salamat and more power!

 

Gumagalang,

Angel

Dear Angel,

 

MAAARI MO pang kasuhan sa Professional Regulation Commission (PRC) ang pharmacist na nanuntok sa iyo kahit dalawang taon na ang nakakalipas. Walang itinakdang panahon ang 2006 New Rules of Procedure ng PRC para sa pagsasampa ng mga administrabong kaso laban sa mga nagkakamaling miyembro ng PRC. Ibig sabihin nito, maaaring magsampa ng administratibong kaso kahit ilang taon na ang nakalilipas ang kahit na sino laban sa miyembro ng PRC na may nagawang pagkakamali at labag sa panuntunan ng PRC. Dapat lamang na ang isasampang reklamo ay sumunod sa prosesong itinakda ng 2006 New Rules of Procedure.

Ayon sa nasabing alituntunin ng PRC ang mga sumusunod ang dapat mong gawin sa pagsampa ng reklamo laban sa pharmacist na sumuntok sa iyo:

“A. A complaint shall be in writing and under oath or embodied in an affidavit. (Section 1)

B. The complaint must be written in a clear, simple and concise language so as to apprise the respondent of the nature and cause of the charge against him and to enable him to intelligently prepare his defense or answer. The complaint shall contain the following: 1. Full names and complete addresses of the complainant and the respondent; 2. The respondent’s profession together with his Certificate of Registration or License or permit number and date of issuance, if available; 3. x x x; 4. A brief narration of the material facts which show the acts or omissions allegedly committed by the respondent constituting the charge, offense or cause of action; 5. The disciplinary action prayed for; and 6. Certified true copies of documentary evidence, and the affidavit/s of witness/es, if any. (Section 3).

C. The complaint, together with the documentary evidence and affidavit/s of witness/es, if any, shall be filed in such number as there are respondents, plus two (2) copies for the file. (Section 4)

D. A complaint may be filed at the Legal and Investigation Division (Legal Division) of the Central Office or at the Regional Office of the Commission having territorial jurisdiction over the parties at the option of the complainant. (Section 5)”

Nawa ay nabigyang kasagutan namin ang inyong katanungan.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articlePaskong Pinoy
Next articleBuwis sa Pilipinas

No posts to display