Sipain ang bobo

PROBLEMA SA MATINDING trapiko sa Araneta/Quezon Avenue ang dahilan kaya isinasagawa ngayon ang proyekto ng Department of Public Works and Highways sa nasabing lugar.

Ang “underpass” sa kanto ng nabanggit na mga kalsada. Bago inumpisahan ay nagkaroon na muna ng “announcement” mga dalawang linggo na ang nakararaan para sa “traffic rerouting”.

Sa nasabing panahon ng pagpapahayag hinggil sa kaukulang proyekto ay tahimik (as in aprubado) ang MMDA.

Pero nang inumpisahan na ito ay biglang nag-ngangakngak si MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ayon kay Chairman Tolentino, “flyover” at hindi “underpass” ang nararapat itayo sa lugar dahil magiging mitsa lamang ito ng matinding pagbaha, dahil ayon sa MMDA chairman ay umaabot na sa tatlong talampakan ang taas ng tubig sa lugar sa isang simpleng ulan lamang.

Lalo na kung lagyan pa ng “underpass”!

Ang tanong natin, parekoy, bakit ngayon lang ‘yan sinabi ni Tolentino kung kailan naumpisahan na?

Kung kailan gumastos na ang gobyerno sa mga plano, preparasyon at tapos na ang kontrata sa construction company na magsasagawa ng nasabing proyekto?

Ibig bang sabihin, dapat ipawalang-bisa ang kontrata nang ganon na lang, gagawa uli ng panibagong plano at magbi-bidding uli?

Eh ‘di, hindi na ‘yan “matuwid na daan” kundi “pabalik-balik na daan”?

Baka naman, hindi lang nagkaroon ng maayos na usapan ang contractor at si Chairman Tolentino kaya sa kasagsagan ng trabaho ay gusto itong maunsiyami?

Sa isang banda, kung “wise decision” itong kay Chairman Tolentino, ibig sabihin “bopols” itong si DPWH Sec. Rogelio Singson!

Una: Dahil sa plano niyang lutasin ang problema sa trapiko roon sa lugar pero magreresulta naman pala ito sa matinding pagbaha!

Pangalawa: Gumawa pala siya ng plano na gagastusan ng napakalaking halaga pero hindi muna nagsagawa ng “feasibility study” sa magiging epekto, o kaya ay hindi muna nakipag-dayalogo sa Quezon City government at sa MMDA!

Susmaryosep, parekoy, ipinangalandakan pa naman ni P-Noy sa kanyang talumpati na mahusay sa tungkulin itong si Sec. Singson dahil nakatitipid daw ang pamahalaan, paano ngayon ‘yan?

Nakatipid ba ‘yan!

Sa naganap, parekoy, sa proyektong ‘yan ay makikitang maliwanag na maihahagis na naman kay P-Noy ang sisi sa napakalaking halaga ng proyektong iyan.

At isa lang ang ibig sabihin, mayroong matalino at may bobo kina Chairman Tolentino at Sec. Singson.

Kaya dapat lang alamin kung sino, para purihin ang matalino at sipain ang bobo!

Ora mismo!

INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected]  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleRobin Padilla successfully revived his showbiz career after a downfall
Next articleAyaw kasing magpa-under ni Andres!

No posts to display