Sipat-eklat #122

SIPAT: “Tinuruan ako ng magulang ko ng tamang manners. Never akong nambastos ng tao,” sey ni Baron Geisler.
EKLAT: Hindi siya nakainom nang sinabi niya ‘yan. Pramis!

SIPAT: Inireklamo siya ng sexual harassment ni Yasmien Kurdi, ‘di ba?
EKLAT: Baka si Yasmien ang nakainom nang i-file ang kaso.

SIPAT: Ipinagtanggol ni Johnny ‘Mr. M’ Manahan’ si Willie Revillame.
EKLAT: Siya ang direktor ng Wowowee, e!

SIPAT: Nakakita ng mali ang detractors ni Willie, kaya panay ang birada ngayon sa kanya, sey pa ni Mr. M.
EKLAT: Nainip na kasi sila sa paghihintay ng tama.

SIPAT: Naka-leave na pala si Willie.
EKLAT: Bakasyon lang po… hindi pa graceful exit.

SIPAT: Tameme ang News Department ng Dos sa sitwasyon ni Willie.
EKLAT: Naghihintay ng ‘breaking news’… pagkatsugi ni Willie?

SIPAT: Tameme ang News Department ng Dos sa sitwasyon ni Willie.
EKLAT: Kapalpakan din kasi nila ‘yon, ‘no!

SIPAT: Sey ni Willie, gusto niya na masaya lagi sa Wowowee.
EKLAT: Nagpapaiyak ng contestant tapos masaya? Labo naman!

SIPAT: Puwede nang si Pokwang ang ipalit kay Willie!
EKLAT: WowoWANG!

SIPAT: Eardrum ni Sam Milby, nabutas nang sampalin ni Bea Alonzo.
EKLAT: Sampal pa lang ‘yon, Sam. Tuloy mo pa panliligaw sa kanya?

SIPAT: High school daw si Korina Sanchez nang patayin si Ninoy Aquino noong 1983.
EKLAT: Uuyyy… nagpapabata.

SIPAT: Taong 1964 ipinanganak si Korina, kaya edad 19 na siya nu’ng patayin si Ninoy.
EKLAT: Hindi pa po memory gap, nalito lang si Korina.

SIPAT: Favorite song daw ni Korina nu’ng 1983 ang ‘Magkaisa’ ni Virna Lisa. E, 1986 sumikat ang kanta na gawa ni Tito Sotto.
EKLAT: Hindi po memory gap, nalito lang uli si Korina…

By Papa Azzi

Previous articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #121
Next articleIza Calzado, ayaw pag-usapan ang bagong boyfriend by Gorgy’s Park

No posts to display