SIPAT: GAGAWIN ni CARLO J. CAPARAS na DRAMATIC ACTOR si MANNY PACQUIAO.
EKLAT: NAKAKATAWA ang BALITANG ‘yan. Kaya MAS SWAK sa COMEDY si PACMAN!
SIPAT: NAISPATAN namin si JINKEE PACQUIAO sa isang BAR. Ang GANDA-GANDA ng ESMI ni PACMAN!
EKLAT: HINDI na siya MUKHANG PROBINSIYANA.
SIPAT: BACK-TO-BACK COVER ng FHM sina ROBIN PADILLA at CRISTINE REYES.
EKLAT: Para sa BISEXUAL MARKET ang ISSUE?
SIPAT: ‘KABALEN’ ang TAWAG ni RUFA MAE QUINTO sa kanyang SECRET LOVER. Ang HUSAY sa LUTUAN n‘yan!
EKLAT: DAPAT SARAPAN lalo ni Rufa Mae… ang LUTO ng DIYOS!
SIPAT: REGALO ni KABALEN ang MANSYON kay BOOBA sa TATE, hindi siya ang BUMILI.
EKLAT: PUWEDE palang BAWIIN…
SIPAT: Uy, may US TOUR pala si WILLIE REVILLAME!
EKLAT: HANGGANG 2010 na raw sana…
SIPAT: Si YLMAZ BEKTAS at HINDI si JOHN LLOYD CRUZ ang INIYAKAN ni RUFFA GUTIERREZ.
EKLAT: MASAYA siya sa PILING ni LLOYDIE, ‘no!
SIPAT: ‘KANDA-BULOL si RICHARD GUTIERREZ nang MAKAEKSENA si CRISTINE REYES. Ang SEKSI raw kasi…
EKLAT: UMURONG ang DILA, for sure, MERON namang BIGLANG HUMABA!
SIPAT: ‘WAG na kasing PILITIN si MARICAR REYES na MAGSALITA sa SEX VIDEO SCANDAL niya with HAYDEN KHO.
EKLAT: NAKABULATLAT nang LAHAT. ANO pa ang DAPAT MALAMAN?
SIPAT: NAG-IINGAY ang NORANIANS, ayaw PATALBOG dahil may MOVIE si VILMA SANTOS.
EKLAT: ‘Gang ISYU na lang talaga si ATE GUY, ‘no? Sa PROJECT wala… BOKYA!
SIPAT: Blind Item: TINARAYAN ng SIKAT na YOUNG ACTRESS si VETERAN ACTRESS.
EKLAT: DAPAT nang IPUKPOK ang BATO sa ULO ng YOUNG ACTRESS nang MATAUHAN.
SIPAT: GUSTO ni IZA CALZADO na ITAGO sa SHOWBIZ PRESS ang NON-SHOWBIZ BOYFRIEND.
EKLAT: Dalhin niya sa KUWEBA. WALA ang PARAZZI do’n!
SIPAT: NAKAKATAWA ang ‘KIMMY DORA’, no doubt!
EKLAT: Pero LUHAAN ang MOVIE PRESS matapos ang PREVIEW.
SIPAT: Naka-SMILE naman sila KINABUKASAN.
EKLAT: Nag-DAMAGE CONTROL agad ang PRODU ng movie, e.