SIPAT: AYOS ang AUTOMATED ELECTIONS! Ang BILIS ng PROSESO!
EKLAT: WALANG NAKALUSOT na DAYAAN! Pramis.
SIPAT: CONGRATS sa LAHAT ng BAGONG LIDER!
EKLAT: UMPISAHAN na… ang PAGBAWI ng NAGASTOS n’yo!
SIPAT: PASOK pa rin si VILMA SANTOS bilang BATANGAS GOVERNOR.
EKLAT: DAMI yatang VILMANIANS sa BATANGAS, ‘no!
SIPAT: Si JEJOMAR BINAY na siguro ang BISE PRESIDENTE habang BINABASA n’yo ‘to.
EKLAT: Siya ang DARK HORSE sa mga VICE PRESIDENTIABLES, ‘di ba?
SIPAT: At si NOYNOY AQUINO na ang PRESIDENTE.
EKLAT: WISE na talaga ang PINOY… ALAM nila ang MATINO at ABNOY!
SIPAT: PA’NO kaya BABAWIIN ni MANNY VILLAR ang BILYONES na NAGASTOS niya?
EKLAT: Mag-RECYCLE siya ng mga BASURA!
SIPAT: PA’NO na si WILLIE REVILLAME kung si MANNY V ay ‘DI NAGING PRESIDENTE?
EKLAT: MAGPAIYAK na lang ULI siya ng mga BATA sa WOWOWEE!
SIPAT: O, ba’t ‘DI NAKALUSOT ‘yung IBANG INENDORSO ng I-N-C?
EKLAT: NAINIP ‘yung IBANG KAPATID sa HABA ng PILA. ‘DI na BOMOTO at UMUWI na!
SIPAT: SAYANG si BRO. EDDIE VILLANUEVA, maka-DIYOS pa naman siyang TALAGA.
EKLAT: Ang ELEKSYON kasi, e LABANAN ng GOOD VERSUS EVIL. Knows n’yo na ang RESULTA…
SIPAT: PASOK na rin si MANNY PACQUIAO na KONGRESISTA sa SARANGANI!
EKLAT: BAKA pati ‘yan, e IPROTESTA pa ni FLOYD MAYWEATHER!
SIPAT: Naks, mukhang si BONG REVILLA ang TOPNOTCHER sa mga SENADOR, huh!
EKLAT: DAPAT niya ring PASALAMATAN sina KATRINA HALILI at HAYDEN KHO!
SIPAT: TAPOS na ang ELEKSIYON. May mga BAGO nang MAMUMUNO sa BAYAN ni JUAN.
EKLAT: NAILISTA n’yo ba ang LAHAT ng PANGAKO nila? ASA ka pa!
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service