SAMPUNG TAON na mula nang ma-release ang double platinum na Café Bossa na siyang debut single ni Bossa Nova Diva Sitti. Sa kanyang 10th anniversary sa showbiz, she’ll revive the well-loved album, recorded al fresco with Singles Bossa Nova Trio under MCA Music.
“It has 12 songs. It’s the last album I recorded before I got married,” sabi ni Sitti na three months pa lang naikakasal sa kanyang napangasawang isang businessman. And 9 of these songs are famous singles… ‘yong mga singles na talagang tinangkilik. Plus 3 of my original songs na ang carrier single namin ay ‘yong Ligaya. Kasama ko rito sina Crispin Basilo and Diego Martinez. And it’s different because it’s a live recording al fresco. Kaya na-capture namin ‘yong mga huni ng ibon kasabay ng boses ko, ng gitara ni Crispin, at ng percussion ni Diego. It defines my life right now as a married woman. There’s so much joy and gratefulness surrounding that song, that’s why we gave it that title too. Happiness fleets. Joy runs deeper,” nangiting sabi pa ni Sitti.
“Mas ano ngayon… I feel deeper. Parang mas may kabuluhan lahat, mas malalim lahat, at mas may hugot lahat. Mas panatag. Mas masaya,” sabay ngiti ni Sitti.
Kailan niya planong magka-baby?
“Kapag ibinigay ni Lord, go!” tawa pa niya.
They’re trying na now na magkaanak?
“Not naman trying. Not naman din careful. Anything goes lang. Right now, happy ako. And happy rin si husband.”
Magiging kasing active pa rin ba siya sa singing gaya no’ng single pa siya?
“Mas nagiging ano na ngayon e… nahahati na talaga ‘yong priorities. Kasi when my husband needs me, I’ll go with him. Kapag may mga out of town siya or out of the country, sumasama ako. And what I love about my husband is… he still really pushes me to work, to sing. And ‘yong support niya talagang nando’n. So, kung mawawala man ako nang ilang linggo for his work, ganyan… nakababawi naman sa singing ko. Sa awa ng Panginoon hindi naman po napababayaan. Na nakapagtu-tour pa rin kami at nakapaggi-gig pa rin kami.”
Iniisip ba niya na maaaring iwan din niya totally ang kanyang singing career?
“Siguro kapag nagka-kids na. I don’t know. But as of now, he still allows me to do what I want. Which is to sing.”
Ilang kids ba ang plano nila?
“We’re praying for four. Pero… timing din ‘yan ni Lord, e. Kasi hindi naman nga kami trying, trying, trying. Hindi naman kami careful din. Kung ano ang ibigay ni Lord. Okey na kami ro’n.”
Sa kanyang responsibility as a wife, saan siya nahihirapan? Na parang pinag-aaralan niya pa rin dahil gusto niyang ma-perfect?
“Hindi ko alam kung masyado akong ideal, e. Pero gusto ko ‘yong… hindi na niya kailangang sabihin, nagagawa ko na. ‘Yong sa mga pangangailangan niya. Gano’n.”
Ano so far ang na-discover niyang pinakamahirap ngayong housewife na siya?
“Mahirap kapag nag-a-alarm siya nang sobrang aga. Kasi kailangan niyang mag-training tapos hindi na ako makatulog! Hahaha!”
Nasa honeymoon stage pa rin ba sila?
“Tuluy-tuloy pa rin. Kagagaling lang namin sa Europe kasi may business meeting siya roon, so natangay ako! Kasi he distributes bikes here. And also bike components here in the Philippines. So, every year there’s a Euro Bike… parang super-convention ng mga bike brand and all. So, pumupunta siya ro’n every other year.”
Biking ang isa sa hobby ng husband niya. Tina-try na rin niya ito?
“Not yet. Pero nagsu-swim ako with him, I go through swim training with him. And run. ‘Yong running ang kailangan ko. Isinasali na lang nila ako sa mga race na… ‘yon ang buhay ko ngayon! Bagong lifestyle. Hahaha!
Nasa ASAP pa ba siya? “Semi-regular.”
May alam ba siya tungkol sa totoong nangyari kay Aiza kung baklit nawala ito sa nasabing Sunday musical variety show ng ABS CBN? “Ano po ba ‘yong sinabi niya (Aiza)?”
Leave of absence daw. Pero may balitang tinanggal nga raw si Aiza. “A… hindi ko alam,” nangiting sagot na lang ni Sitti. “Si Aiza na lang po ang tanungin natin.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan