BUWAN NA naman ng pag-ibig. Sabi nga, love works in mysterious ways. Kahit na ikaw ay maganda o pangit, mayaman o mahirap, matanda o bata, matangkad o pandak, mataba o payat, matangos ang ilong o pango ay wala kang magagawa kapag si Kupido na ang pumana sa iyo.
Bilang selebrasyon sa inaabangang love month ay magkakaroon ng Pagcor tour si Sitti na pinamagatang The Love Tour sa February 2 (Airport Casino Filipino); February 4 (Casino Filipino Mimosa); February 7 (Casino Filipino Pavilion); February 16 (Casino Filipino Tagaytay); February 18 (Casino Filipino Angeles); February 21 (Casino Filipino Bacolod); February 22 (Casino Filipino Cebu); February 23 (Casino Filipino Davao); February 27 (Casino Filipino Hyatt); February 28 (Casino Filipino Olongapo); at February 29 (Casino Filipino Heritage). All shows start at 9:00pm.
Napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa pag-ibig, kailan at paano ba nagsimula ang love affair ni Sitti sa musika? “Since I was very little. I am reminded of the song Thank You for the Music since I’ve been singing for as long as I could remember. It was something I never thought/dreamed of making a career of. Growing up, I was just one of the little kids prodded to sing in school activities and family reunions by the elders,” sabi ni Sitti.
At ano bang mayroon ang bossa nova at nain-love siya rito? “There is something about singing it that soothes and subdues me, like it quiets my inner thoughts. At the same time it also allows me to play around, gives me freedom on how to approach every song.” Ilan daw sa kanyang mga musical influences ay sina Ella Fitzgerald, Sarah Vaughn, Astrud Gilberto, at Gal Costa na pawang mga batikang bossa nova artists.
Mahaba na ang narating ni Sitti bilang nag-iisang bossa nova queen ng bansa. Sitti first gained acclaim when she was 16 years old with her renditions of bossa nova classics like Astrud Gilberto’s One Note Samba and Jorge Ben’s Masque Nada as well as her hit song Para Sa Akin.
Throughout the years ay napagmasdan nating lahat ang magandang kinalabasan ng pag-ibig ni Sitti sa kanyang musika. Since her debut in the music scene, nakapag-release na siya ng mga best-selling albums tulad ng Café Bossa, Sitti Live!, Sitti In The Mix, My Bossa Nova, Contagious, at Sitti Sessions. Ilan sa kanyang mga di-malilimutang awitin mula sa kanyang mga albums ay ang Tattooed on My Mind, Para sa Akin, Wag Mo Munang Sabihin, La-La (Means I Love You), Your Love is King, Bridges, at Hey Look at the Sun. Now, Sitti is one of the most sought-after artists in corporate and wedding events, out-of-town gigs, and shows abroad.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda