NAKAKALOKA TALAGA ang ilan sa mga netizens natin na wala nang ginawa sa buhay kundi ang manlait ng kapwa nila. Isa sa mga recent victims ng mga ‘body shamers’ o mga taong nagsasabi na mataba ang isang tao at kung anu-ano pang panlalait ay ang Dance Goddess ng ASAP na si Sarah Lahbati.
Sa ngayon ay hindi muna gumigiling every Sunday ang dyowa ni Richard Gutierrez dahil pinagbubuntis nito ngayon ang ikalawa nilang anak. Open naman ang Pinay-Moroccan beauty na happily pregnant siya ngayon at sa katunayan, engaged na sila ni Richard. Napakagandang buntis nga ni Sarah, eh!
Ang ibang haters ‘ata talaga ay walang pinipili. Buntis man ang isang artista, puputaktihin pa rin nila ito ng paninira para mema lang.
Sa kanyang recent Twitter post, umalma si Sarah sa mga nagsasabing lumobo ang kanyang katawan:
“I’m six months pregnant and getting body shamed. “Ang taba mo”, “ang laki mo”, “losyang” etc. DID YOU FORGET I’M CARRYING A CHILD. I am growing a baby inside of me and you are shaming me. This doesn’t just happen to me. What happened to women trying to support each other? Praising each other as mothers? Why can’t we accept that our bodies are made to change during pregnancy because THERE’S A GROWING BABY INSIDE. Respect pregnant women and think before you judge or open your mouth. If you’re here to do that & be disrespectful, unfollow me & get out of my page. I deserve respect and I won’t allow anyone to step on me for being pregnant.
This goes out to all pregnant women; we all deserve to be happy and focus on our growing baby. Let’s stay positive, happy & mind our own business everyone!” pagtatapos ni Sarah with a peace and heart emoji.
May plano si Sarah na mag-launch ng kanyang official blogsite within the month. Siguradong susundan ito ng mga mothers at mga kababaihan na nakakarelate sa kanya. Go lang, girl!