Siyete, kampante sa Lorna Tolentino-Dingdong Dantes tandem

NAKASOSORPRESA SA viewers dahil hindi pangkaraniwan na mangyari na maging magkapareha sa isang proyekto ang kagaya nina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes na malaki ang agwat ng edad. Pero kampante ang GMA 7 na ibigay sa kanila ang roles ng isang lady editor na hiwalay sa asawa at isang photographer na magkakaroon ng May-December affair sa primetime series na Pahiram Ng Sandali.

“Na-surprised din ako, eh!” sabay tawa sabi ni Lorna. “Hindi kasi gano’n talaga, eh. Haram ito, eh,” pagtukoy ni Lorna sa orihinal na project na gagawin sana niya with Dingdong kasama si Kylie Padila na na-shelved.

“Na anak ko si Kylie (Padilla) sa story, ‘di ba? So naka-prepara ako bilang ina na magtuturo ng edukasyon tungkol sa kultura ng mga Muslim at tradisyon nila. ‘Di ba?”

Paano kaya nila gagawing convincing sa paningin ng viewers ‘yong pagkakaroon nila ng affair ni Dingdong sa story ng Pahiram Ng Sandali? 

“Ano naman ‘yon, eh… it’s the chemistry, eh. Mararamdaman din ng tao ‘yon. Hindi lamang kami. ‘Yong kilig, ang kailangang makaramdam ay ‘yong tao. ‘Di ba? Na ang ibig sabihin no’n, nagki-click ang chemistry ninyo. Na babagay pala kayo kahit na meron kayong age gap difference.”

BLIND ITEM: Isang female staff ng program support system department ng isang TV station ang pinaiyak ng isang hunk actor. Hindi kinaya ng powers ng nasabing girl ang biglang pagta-tantrum ng aktor na talagang nataray-tarayan siya nito.

Meron kasing spiel sana na ipasasabi sa aktor kaugnay ng promo para sa ipapalabas na movie na isa siya sa cast at co-produced by the network kung saan siya naka-kontrata. Simple lang at ang ikli ng linya niya… “S is for sexy!”

Ang tagal nang nakatayo ng actor sa harap ng girl at ng camera man, hindi tumitinag ang young actor. Nakasimangot lang ito at hitsurang may sumpong.

Ang dahilan… hindi pala niya feel ang spiel na itinoka sa kanya. Parang pang-bading daw. Eh, apat na lines lang ‘yong spiel sa binubuong VTR para sa promo nga ng pelikula. ‘Yong tatlo, nasabi na’t nai-taped on cam ng tatlo pang actor na kasali rin sa proyektong ito.

Sabi ng girl sa nagmamarakulyong aktor… bahala ka na lang kung paano mo sasabihin. Kaso, ayaw talaga ng aktor.

Umasim na ang mukha nito. Tiim-bagang at nagtataray na sa girl. Na parang feeling kasi ng aktor, pinipilit siya ng girl na gawin ang isang bagay na hindi nga niya feel.

Naiyak na ang girl kasunod ang linyang… sorry, trabaho lang. Kaso, talagang uminit na ang ulo ng actor. Kasunod ay ang eksenang pagwu-walk out na nito.

Naiwang cry to death pa rin ang girl. Kasi, bukod sa natarayan siya ng aktor, hindi niya nabuo ang VTR para sa promo ng pelikula dahil butas ang spiels na dapat sabihin ng male casts, kasi nga… nagalit at hindi na nakipag-cooperate ang actor.

Kung sabagay, maging ang press people man at ilang miyembro ng media ay hindi gano’n ka-nice ang aktor magmula nang sumikat ito. May mga pagkakataon na kapag in-approach siya for an interview, sasabihin niya sa ‘yo, kailangang magpaalam ka muna sa handler niya na kapag tinawagan mo ay ang hirap namang mapapayag.

Kung hindi naman gano’n ang kanyang drama, diretsahan niyang sasabihin niyang huwag na lang. Hindi niya feel na magpa-interview dahil ayaw lang niya.

Ganyan! Painumin kaya ng kape ang aktor na ito para matauhan na kahit may pangalan na siya, kailangan pa rin niyang pakiharapan nang maayos at makibagay sa mga nakakasalamuha niya. Hindi lang ang kanyang fans kundi pati press people at miyembro ng media o kaya ay production staff ng network kung saan siya naka-kontrata.

Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleMga serye ng Kapuso, ang bigat sa dibdib panoorin
Next articleJake Ejercito, martir sa pag-ibig kay Andi Eigenmann

No posts to display