MINSAN PO AY pumunta ako sa isang jobs fair. Isang agency ang nalapitan ko at meron daw silang opening para sa welder sa Alberta, Canada. Humingi po ako sa kanila ng form at nang tanungin ko sila kung ano pa ang mga requirement para ako ay makabiyahe, sinabi nilang magbalik ako sa opisina nila matapos na makuha ko ang skills test ng TESDA at ang aking medical. Kailangan na ba talaga ang mga ito? Kasi, kahit papaano ay gagastos ako para rito. — Gerry ng Marikina City
MAHALAGA NGA IYANG skills test. Pero para hindi ka mapagod o mag-aksaya ng pera at panahon, dapat ay nagpre-qualify ka na sa trabaho na inaaplayan mo. Isa pa, dapat ay na-interview ka na ng employer. At siyempre pa, dapat ay meron nang job order mula sa POEA. Ang skills test ay dapat angkop sa trabaho na papasukan mo. Halimbawa, kung welder ang inaapalayan mo, hindi ka dapat mag-test sa computer programming o sa automotive.
Gayundin ang dapat mangyari bago ka magpa-medical. Dapat ay na-interview ka na ng employer at napre-qualify ka na sa trabahong inaaplayan mo. Ang ahensya rin ang dapat magpadala sa iyo sa isang klinika na accredited ng DOH.
Ganito ang pangkalahatang patakaran ng pamahalaan natin. Sa kaso ng seafarer, ganito rin ang mga requirement. Idadagdag lang nila ang crew order na aprubado ng POEA.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo