NAGSALITA ANG taumbayan na ang Hot Shot Engineer of Cebu na si Slater Young ang siyang karapat-dapat na maging Big Winner sa nakaraang Pinoy Big Brother: Unlimited. Sa loob ng ilang buwang pananatili sa Big Brother’s House ay ipinakita ni Slater sa mga manonood ang kanyang talino at abilidad sa mga mabibigat na hamon ni Kuya. Sa kanyang paglabas sa Bahay ni Kuya ay handa na kaya si Slater sa mga panibagong hamon na naghihintay sa kanya ngayong pinasok naman niya ang mundo ng showbiz?
Ayon sa artikulo ni Rhea Manila Santos sa Push.com.ph ay handa na raw sumabak sa showbiz si Slater kahit aminado siya na noong una ay hindi payag ang kanyang pamilya na sumali siya sa PBB that will put his career as a civil engineer on hold.
“Actually before ako pumasok sa PBB, iyon sana ang gusto nilang mangyari, pero ngayon sobrang supportive sila. Gustung-gusto nila iyong lahat ng nangyayari sa akin and it’s a big compliment din talaga to my family kasi na naging Big Winner ako, so they’re very happy and very proud,” he said. His family is very supportive and in fact, nagbabasa raw ang kanyang mom ng mga comments sa Twitter.
Para raw isang panaginip ang lahat kay Slater. Ngayon ay gusto niyang subukan ang pag-aartista at nakapag-acting workshop na siya bilang paghahanda.
Slater was proclaimed the first ever male Big Winner of PBB’s regular season on its Big Night at the Grandstand. He garnered a total of 40.02% of text votes. Hindi kaila sa publiko na galing sa isang mayamang angkan si Slater whose family owns a construction business in Cebu. Gayunpaman ay hindi raw nangampanya ang kanyang pamilya noong nominated siya for eviction during the first few weeks at tanging SIM card lang ang ginagamit nilang pamboto dahil gusto nilang makita kung gusto ba si Slater ng taong bayan. “Nag-vote lang talaga sila nang todo noong malapit na sa dulo.”
Part of his prizes were the 2 million pesos from Jack and Jill, a 2 million peso Crystal Clear franchise, Asian Tour, and appliance showcase. A kind-hearted young man, sinabi ni Slater na plano niyang ibigay ang malaking bahagi ng kanyang napanalunang P2M prize money sa tuition fee ng mga anak ng kanilang mga empleyado.
PBB has opened doors of opportunities in showbiz to ex-housemates like Sam Milby, Kim Chiu, Gerald Anderson, Robi Domingo, Matt Evans, Jason Gainza, Ejay Falcon, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Ryan Bang, and Aldred Gatchalian.
Ano nga ba ang naghihintay kay Slater now that he is outside Big Brother’s House? Now that he wants to be an actor, sana’y maging winner din siya.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda