SA GITNA ng unos na dumagok sa ating mga kababayan sa Leyte, Tacloban at iba pang karatig lugar nito ay rito natin mapatutunayan na ang mga Pilipino ‘always smile’ anumang humagupit sa atin na kasawian at kawalan. Dapat ‘ata ‘yung it’s more fun in the Philippines ay gawin na lang nating There are more smiles in the Philippines, kasi mukhang ‘di na nakakatuwa dahil palagi tayong pinapasyalan ng mga kalamidad para maturingang more fun.
Ayon kay Agnes Bun, “It’s a scene that plays out dozens of times. I switch on my camera and the person I’m talking to flashes the sweetest smile. Even in these, the hardest of times, such smiles light up the face of many Filipinos.
Ngunit sa kabila rin naman ng paghanga ng mga dayuhan sa ating pagngiti at pagtawa sa gitan ng isang problema ay marami ring netizens na makikitsa sa social networking sites na galit na galit, naiinis at napupurga sa mga diumano’y mga kakaibang mga asal ng mga nakaupo sa ating pamahalaan.
Tulad ng aking mga nakalap na, bakit ‘yung ibang mga de lata wala ng label at bakit pinabubuksan muli ang mga set reliefs na galing sa mga foreign countries para muling i-repack at palitan ng label o sulat na galing sa DSWD?
Depensa naman ng in charge ng nasabing ahensya na si Merciditas Jabagat, sine-segregate nila ang lahat ng relief items bago muling nire-repack para ibukod ang ibang bagay gaya ng mga babasagin. Aaaminin ko may point man ang kinatawan ng DSWD ay nakakainis pa rin ang katuwirang ito. Wala sa tama iyan! Binibintangan pa ba natin ang foreign aids ay mali sa kanilang pagpa-package at pagsasayos ng relief goods? Ano ba ‘yan ha? Patay na ang mga natirang mga kabayo bago dumating ang damo. Hindi naman ata makatuwiran iyan?
‘Di kaya mas magiging epektibo kung maglagay na lang muna sila ng mga team leaders? O kung hindi naman ay kung 50 pamilya at bigyan bawat pamilya ng tig-iisang sako na bigas at mga de lata at iba pa hangga’t makarekober at ‘di na mahirapang papilahin araw-araw pa? Napakadaming dinoneyt subalit bakit parang takal na takal ang mga biktima?
Sa totoo lamang isa ito sa mga issues na pinagmumulan ng kawalang tiwala ng mga foreign countries na tumulong, tumutulong at tutulong sa pa sa atin. Bakit nga ba sila magtitiwala kung humanitarian aid ang pinaaabot nila, korapsyon naman ang inaatupag ng mga tiwaling opisyales ng gobyerno natin? Katulad na lamang nitong inulat ng isang dyaryo na may headline na, “LEADERS BETRAYED A BEAUTIFUL NATION”.
Ihalimbawa natin ang Amerika na nag-mobilized ng 50 ships at aircrafts sa mga lugar na sinalanta, kasama ng mga barko ay helicopters din na nagde-deliver naman ng relief supplies. Sa kabuua,n Itinatayang nagkakahalaga ng $37million ang humanitarian aid ng Estados Unidos.
NAGPAHAYAG NAMAN si Sec. Mar Roxas dapat imbistigahan at kagyat na pagtanggal sa mga hindi ‘di umano na nagresponde o report kaagad na mga kapulisan at sundalo pagkatapos ng hagupit ng bagyong Yolanda. Sana ang ganitong sitwasyon, pag-isipang mabuti ng ating kalihim.
Sa pahayag na ito, para tuloy nangangahulugang hindi ito mga tao at ikinosinderang mga biktima rin ni Yolanda. Para silang mga hindi pamilyadong tao na sa oras ng kalamidad ay dapat rin namang magresponde din sa sarili nilang pamilya. Bagama’t may sinumpuan nga man silang tungkulin at una ang bayan bago sarili, siguro ay it is very human para ikonsidera silang mga nawalan din lalung-lalo na at ‘di biro ang dinulot ng sakuna sa kanilang lugar?
‘IKA NGA, napapanahon na marahil na bumangon tayo hindi lamang sa mga nangyayari sa ating bansa kundi maging sa pamamahala ng batas at pag-aralan nang mabuti ang mga hakbangin tungo sa isang pagbabago upang makinabang hindi lamang mamamayan kundi maging ang mga nakaupo sa pamahalaan sa isang malinis na pamamaraan.
Tayo ang boses ng ating bansa kaya dapat tayong mamagitan at magpaalala sa ating mga tiwaling lider na bansa muna bago ang sarili. Dagdag pa nito, sasabihin kong pinakamainam kung ang isang bansa ay papaasakop sa Makapangyarihan Lumikha upang ang mga dala ng mga naglilingkod ay patas na pamamahala. Dahil kung hindi baka ang inaasahan nating katungunan ay maghasik pa ng kaguluhan sa ating bayan.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia