MAHILIG AKO sa romcom movies. Sa edad ko, may kilig pa rin sa akin ang mga pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo or ang mga pa-tweetums nina Liza Soberano at Enrique Gil on screen.
Pero sa bagong pelikula na kakaiba ang atake sa tipikal at nakakahon na “romcom” iba ang dating sa akin ng pelikulang ”So Connected” na bida sina Janella Salvador at Jameson Blake.
Sa casting pa lang ay iba na. Who would think na pwedeng-pwede pala magsama sa pelikula sina Janella at Jameson at maganda ang chemistry nila on screen kahit hindi sila magka-loveteam? In short, iba man ang tambalan ay swak naman ang timpla.
Pak na pak ang “love story nina Karter (Jameson) at Trisha (Janella) na binubuo ng pakikipagsapalaran. Very millennial ang peg dahil sa iba’t ibang social media platforms ang nababangit na mundo ngayon ng mga kabataan.
Ang lakas ng presence on screen ng dalawa. Ang guwapo ni Jameson at bagay sila ni Janella sa karakter niya as Trisha after a recent break-up ay katuwang niya si Karter sa pagbabalik tiwala niya sa sarili para magmahal muli.
Tama ang sabi ni Direk Jason Paul Laxamana na hindi nakakahon ang pelikula niyang “So Connected” at kakaiba ito.
Magagaling ang mga bida. Hindi man tunay na magka-loveteam ang dalawa, sa kinalabasan ng pelikula, iisip mo na sila ang magka-loveteam.
Congrats to Janella at Jameson. Gayun din kay Direk Jason Paul at sa Regal Entertainmrent (Mother Lily and Ms. Roselle Monteverde) for this film.
Ang “So Connected” ay showing na tomorrow sa mga sinehan nationwide.
Reyted K
By RK Villacorta