PANALO ANG tambalang Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin dahil sa magandang ratings ng kanilang palabas na Kahit Nasaan Ka Man. Kung saan mula nang umere ito last September 23 hanggang 25, naging consistent na mataas ang ratings nito, na ang ibig sabihin ay tanggap ng mga manonood ang tambalan ng dalawa.
Pinataob ni Julie Anne ang katapat niyang si Coco Martin dahil ang KNKM ay humamig ng 23.1% kumpara sa 21.6 % ng Juan de la Cruz. Gustung-gusto rin at inaawit ng mga manood ang awiting I’ll Be There kung saan may sariling version si Julie Anne na kasama sa kanyang album at ganu’n din si Kristoffer.
At habang tumatagal ang Kahit Nasaan Ka Man, mas lalong pataas nang pataas ang rating nito, kaya naman daw ganado ang lahat ng mga taong involve sa nasabing serye na mas pagandahin pa ang bawat eksenang ipalalabas araw-araw.
TURNING 50 years old sa Oct. 5 si Laguna Governor ER Ejercito, at pabiro nga nitong sinabi na isa na siyang Golden Boy sa pagtungtong niya ng singkwenta anyos.
Hindi nga raw nito malilimutan ang maagang regalo sa kanya ng Comelec, kung saan dini-disqualify siya nito para alisin sa puwesto bilang gobernador ng Laguna, dahil siya raw ay lumabag sa batas sa diumanong overspending na wala raw katotohanan.
Dahil tanging P4,101,586.62 lamang ang kanyang nagastos noong nakaraang halalan at hindi sumobra pa sa P4.5 milyon na tamang budget na puwedeng gamitin sa eleksiyon na gawa-gawa lamang daw ng kanyang kalaban.
Nagpapasalamat nga raw si Gov. ER sa dami ng mga taong sumusuporta sa kanyang laban sa usaping ito mula sa kanyang mga kababayan at mga opisyales ng Laguna. Anu’t ano pa man daw ay lalabas at lalabas din ang katotohanan at malalaman kung sino ang nagsisinungaling.
NAGING MATAGUMPAY ang Primetime Program Launch ng TV5 na ginanap sa NBC Tent, Bonifacio Global City last Oct. 2 na may temang “TV5 Goes Everyday All The Way” na magsisimula sa mga bagong segment ng Good Morning Club, ang Good Morning Grace ni Grace Lee, Good Morning Sir nina Erwin Tulfo at Martin Andanar, Good Morning Girls nina Cheryl Cosim, Tuesday Vargas, Twink Macaraeg at Grace Lee at Good Morning Moms ni Christine Bersola-Babao.
Habang sina Gelli De Belen at si Christine Bersola naman ang hosts ng Face the People every weekdays 4:30-5:30 PM; Madam Chairman sa pangunguna ni Megastar Sharon Cuneta kasama sina Jay Manalo, Ciara Sotto, Bayani Agbayani, Cita Obrero, Hermes Magpantay, Fanny Serrano, Akihiro Blanco at Shaira Mae Dela Cruz every weeknights 7pm.
Na susundan ng The Gift na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid na mapapanood gabi-gabi ng 7:30 PM.
First time namang mapapanood sa isang game show si Aga Muhlach, ang Lets Ask Pilipinas na mapapanood tuwing Monday to Friday ng 8:00 to 8:30 PM. Mapapanood din simula sa Oct. 17 ang Primetime Series na Positive at For Love or Money.
John’s Point
by John Fontanilla