NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Isa po akong concerned citizen dito sa Cabanatuan, Nueva Ecija, noong nakaraan lang po ay kumuha ako ng NBI Clearance. Nagtanong po ako kung papaano kumuha at pinapila po kami sa “Online” para makapag-fill up ng form sa computer. Reklamo ko lang po na P240.00 ang siningil sa amin. Tinanong ko po kung bakit ganoon ang presyo dahil ang alam ko ay P150.00 lang ang bayad. Ang sabi po sa amin ay may charge daw po at pang-upa sa tao nila, kuryente at pagkain. Hindi po kami binigyan ng resibo, papel lang po na maliit ang ibinigay at certification na tumataginting na P5.00. Sana po ay maaksyunan ninyo.
- Reklamo ko lang po rito sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal iyong kalsada po dahil hindi na po madaanan dahil puro na po vendor. Matagal na po namin itong problema at sana ay maaksyunan sa pamamagitan ng inyong programa.
- Concerned parent po kami rito sa Cabiao, Nueva Ecija. Kasi iyong mga estudyanteng ga-graduate ngayong April ay sinisingil ng P1,200.00 para pambili ng toga. Kapag hindi po nakapagbigay ay walang toga ang bata.
- Isang concerned parent lang po dito sa Angel Del Rosario High School sa Angat, Bulacan. Irereklamo ko lang po ang paniningil sa amin ng P300.00 ng PTCA. Sana po ay matulungan ninyo kami.
- Dito po sa Old Balara Elementary School ay naniningil ng P280.00 ang teacher at hindi pipirmahan ang clearance ng bata kung hindi magbabayad.
- Sa Rizal Elementary School po sa Makati, bukod sa GPTA na sinisingil ay naniningil din ng P150.00 para sa toga picture at P100.00 para naman daw sa graduation.
- Isang concerned citizen lang po ako dito sa Brgy. Sinait, Tarlac City. Nais ko lang pong isumbong ang principal ng elementary school dito sa aming barangay dahil mula nang ma-assign siya rito sa amin ay marami na pong magulang ang dumaraing dahil sa dami ng kung anu-anong sinisingil sa mga pupils dito. May mga projects din po siyang ginagawa at sinasabi na ang proceeds ay para sa school improvements, pero wala namang nangyayaring improvement. Katulad na lamang po last year ay nag-organize siya ng pa-raffle at kumita po ito, pero hanggang ngayon ay wala pa rin pong project na nagagawa sa school. Ngayon pong magga-graduation ay may mga bayarin na naman pong sinisingil tulad ng graduation fee at pagsasaayos ng stage na pagdarausan ng graduation rites na nagkakahalaga ng P6,000.00. Hindi po ba sa isang public school ay minimal lamang ang mga bayarin ng mga estudyante. Sana po ay matulungan ninyo ang mga mahihirap na mamamayan na ang tanging layunin lang ay mapag-aral ang kanilang mga anak.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo