Sobrang mahal na police clearance!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

 

Isusumbong ko lang na ang police clearance namin dito sa Antipolo City ay P350.00. Ganoon po ba talaga kamahal ang police clearance? Hindi ka pa nakakatrabaho, ubos na pera mo. Six months lang ay expires na. Dinaig pa ang NBI clearance sa mahal.

Concern parent po ako na taga-Mandaluyong kasi may anak ako na nag-aaral sa Highway Hills Integrated School at pinagbabayad sila ng tig-P100.00 sa PTA para pambili raw ng electric fan at cleaning materials.

Sana po ay maaksyunan itong problema ng mga magulang dito sa Quatis Masiga Elementary School dahil naniningil sila ng pambayad para sa tubig, kuryente, at test paper samantalang public school po ito.

Hihingi po sana ako ng tulong sa inyo tungkol sa mga bayarin sa isang public school. Naniningil po sila ng P50.00 para sa boy/girl scout, P5.00 para sa anti-TB, P10.00- sustaining, P50.00- Red Cross, P80.00- PTA, P10.00 para other operating expenses. Dito po ito sa Nangkaan Elementary School sa Mataas na Kahoy, Batangas. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Irereklamo ko lang po ang Brgy. Dila Elementary School sa Sta. Rosa, Laguna dahil naniningil sila ng P150.00 para raw sa PTA project na projector na gagamitin sa school nila.

May reklamo po ako tungkol doon sa pinapabayad sa amin ng mga teacher dito sa Ormoc City National High School na P200.00. Para raw po iyon sa pagkain dahil induction meeting para mag-elect ng PTA president.

Pakitulungan po ninyo ang mga parents dito sa Marikina Elementary School kasi naniningil po sila ng P120.00 para sa xerox machine, P100.00 sa homeroom project at P20.00 para sa bond paper. Hindi po ba ay no collection policy ang mga public schools?

Iko-complain ko lang po ang sobrang dami ng langaw dito sa Balubad 2 sa Silang, Cavite dahil perhuwisyo po talaga. Wala pong ginagawang aksyon ang barangay.

Concern lang po ako dito sa aming school kasi iyong teachers dito ay marami ng reklamo dahil kung hindi sila on-time ay palagi pang maaaga umuuwi ang mga estudyante. Tapos sa loob ng limang araw ay minsan tatlong araw lang ang may pasok. Dito po ito sa Brgy. Tag-anongan, Cortes, Surigao del Sur.

Hihingi lang po ako ng assistance sa gurong nangungulong sa CR at nangungurot ng estudyante. Naging biktima po ang anak ko at ako pa ang pinabarangay ng guro. Nag-usap na kami sa harap ng principal ngunit ayaw tumigil ng guro ng aking anak.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleFans nina Alden Richards at Maine Mendoza, masyadong nag-iilusyon
Next articleRon Mclean, sasabak sa The Voices Concert

No posts to display