Sobrang sinisisi ang komedyana sa pagpapabaya Kapatid ni Pokwang, ‘di pala nakulong sa Dubai!

BLIND ITEM: Personally, natutuwa kami, dahil sa kanyang pagba-balik-loob sa kanyang naunsiyaming career. Noon kasi, sikat ang batang aktor na ‘to, eh.

Kaya lang, kung anu-ano na ang kinasuotan. Tulad ng droga at sugal, kaya ang career niya, lumamlam na. Ayaw na siyang kunin, dahil nahulog na ang kanyang sariwang mukha, eh.

There were times pa na panay na lang ang delihensiya niya sa mga kaibigan. Pati celfone ng ibang tao, hinihiram niya para isanla at magkapera.

Kung kani-kanino rin siya may utang na ewan kung bayad na ba ngayon o lista na lang sa tubig. Me tsika pang panay ang patol niya sa bading para lang magkapera.

Ngayon, behaved na raw siya. Magko-concentrate na raw siya sa kanyang career, dahil kailangan na niyang magtrabaho.

Nu’ng huli namin siyang makita sa telebisyon ay maaliwalas ang kanyang mukha. Pero nu’ng magkita na kami na naka-make-up siya, ang daming concealer niya sa mukha.

Normal lang naman ang mag-concealer, dahil tatakpan mo talaga ‘yung mga natuyong pimples o scars. Eh, nu’ng time na ‘yon, ilang tapal ng concealer sa mukha niya ang halatang-halata. Sa loob-loob namin, juice ko, nu’ng araw talaga, ang kinis ng mukha ng batang ‘to. Walang open pores, eh.

Tapos, mas kumapal pa ang pagka-baritone ng boses niya ngayon, kaya I suggest, itigil na rin niya ang kanyang smoking habits (kung hindi pa, ha?) para hindi lumala ang kapal ng boses niya.

Hindi na po kami magbibigay ng clue, dahil pang-general patronage naman itong aming blind item.

Basta sana, tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabago.

NAKAKALOKAH, HINDI naman pala nakakulong ang kapatid niya, sabi ni Pokwang! Samantalang ‘yun ang nasa blind item.

Hindi na sana magre-react si Pokwang, kaso, lahat ng comment, siya ang itinuturong isang pabayang kapatid na hinayaan lang na makulong sa Dubai ang kanyang kuya at hindi man lang siya nagli-lift ng finger to support her brother.

So, dahil wala nga silang balita and they presumed na nakakulong nga ito coz walang communication, heto’t umuwi ang bunso niyang kapatid from Dubai at ito na ang nagbalita na hindi totoong nakulong ang kanilang kuya at hindi rin daw totoong nabulag ang isang mata nito due to unsuccessful operation.

Kaya si Pokwang, iritang-irita sa mga nag-aakusa sa kanyang pabaya siyang kapatid.

Sabi na lang namin kay Pokey, “Hindi natutulog ang Diyos”.

SA FEBRUARY 18 at 7pm ang premiere night sa UP Film Institute ng “Dyagwar (Waley O Havey?), ang indie film na pinrodyus ng OgieD Productions at nangangarap magkaroon ng puwang sa movie production.

Ipinagmamalaki namin ang digital film na ito, dahil kami ang sumulat (siyempre, hehehe!) at mga kaibigan naming artista ang mga gumanap na halos ilibre na ang kanilang talent fee.

Sina Boom Labrusca at Eric Fructuoso ang magpinsang gwardya ng isang compound kung saan magkakaroon sila ng encounters sa mga tenants ng kanilang mataray na kaserang bakla.

Kapilyuhan at kaelyahan ang ipamamalas ng dalawang gwardya at kung paano nila malalampasan ang mga pagsubok na kanilang haharapin.

Tulad na lang ng habang kausap mo ang kasera mo ay merong humahada sa guwardiya sa ilalim ng mesa niya.

Eh, ‘yung itinira ng DOM ang kabit niya sa isang bahay roon, pero “bantay-salakay” naman ang isang gwardiya? Kabit ng may kabit, kinakabit pa?

At panoorin n’yo kung paanong i-blackmail ng kaserang bakla ang isang gwardiyang type niya, pero wala sa bokabularyo nito ang pumatol sa bakla?

Sa mga gustong manood, pas-yalan n’yo lang ang “Dyagwar” fanpage (http://www.facebook.com/pages/DYAGWAR-Havey-o-Waley/221875741217222) at i-post ang inyong pangalan at automatic, pwede na kayong magsama ng isa pa.

Libre lang po ang entrance, kaya join na kayo!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleAi-Ai delas Alas, pinaiyak si Mommy Elvie Villasanta!
Next articlePrettier Than Pink

No posts to display