HINDI AKALAIN ni Solenn Heussaff na makaaabot sa Platinum Award ang kanyang self-titled first album. Dahil dito, mas naging inspired daw siya na ituloy-tuloy lang ang naumpisahan niyang recording career.
“May bago akong album,” masiglang pagbabalita ni Solenn nang makausap naming recently.
“Lalabas na ito this August. Ang title nito… SOS. Iyon kasi ang nickname ko. So, ginawa naming theme ng second album… Sinner Or Saint. Para SOS din. And happy naman ako.”
Dahil merion na nga siyang Platinum Award para sa kanyang first album, masasabi ba niyang made na siya bilang isang recording artist?
“Ewan ko!” nangiti niyang sambit. “Basta ako, I go with the flow lang. Kung anuman ang dumating, happy na ako. Dito sa second album ko, mas maraming original songs. Kasi ‘yong first ko, dalawang original songs lang. This time, merong eight original songs. Tapos may four na cover songs. And then, mas dance, mas upbeat ‘yong songs as compared sa first na parang pang-road trip lang.”
Kasunod ng paglabas ng kanyang second album, isang concert din daw niya ang pinaplano na gagawin sa Music Museum.
“Pero wala pang sure na date. Pina-finalize pa kasi ‘yong tungkol dito. Pati ‘yong concept at magiging guest artists.”
Anytime this week ay magsisimula na rin daw siyang mag-taping para sa bagong primetime series ng GMA na Aking Pa Rin Ang Bukas. Pangunahing tampok dito sina Lovi Poe, Rocco Nacino, at Cesar Montano.
Isang doctor na girlfriend ni Cesar ang character na gagampanan ni Solenn. Hinihintay lang daw niya ang script para lubos niyang mapag-aralan ang kanyang role na ito.
“Dream ko na maka-portray ng role as a doctor. Kaya happy ako na ito ang role ko sa Akin Pa Rin Ang Bukas. So, kailangan kong mag-prepare din for it. Kailangan siyempre, ma-dissect mo ‘yong character mo. Kailangan mong malaman lahat kung ano ang mangyayari sa character mo. Kung paano mo ito ipu-portray. Kaya I need to read the script at mapag-aralan nang husto kung paano ang acting ko,” sabi pa ni Solenn.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan