ENJOY RAW si Solenn Heussaff sa shooting ng pelikulang ginagawa niya ngayon with Jose Manalo and Wally Bayola. Ibang klase raw ngang katrabaho ang dalawa.
“Masaya talaga to work with them,” aniya. “As in super-funny sila. Tapos, hindi ako sanay na… kasi sa mga script, you learn it by heart, tapos… ‘yon! Pero with Jose and Wally, minsan parang adlib ‘yong lahat, eh. Na… okay, you just say this. Gano’n. Puro Tagalog ‘yong lines ko. Tapos marami ring beki (gay) words. As in sobrang funny talaga.”
Si Jose ang partner niya. At natawa si Solenn when asked kung may kissing scene sila. “Abangan n’yo! Hahaha!”
Okey lang daw naman sa kanya na magkaroon ng kissing scene with Jose. “That’s acting,” nangiti niyang sabi. “Acting lang ‘yon. ‘Di ba? Tapos may isa pa akong movie na ginagawa for MMFF (Metro Manila Film Festival). And then there’s one more. Hindi pa sure yet. Pero baka September mag-start na kami ng shooting. So, tatlong movie ako for this year. Tapos next year, sabi ng manager ko marami akong projects. Pero hindi ko pa alam kung ano.”
Bukod sa pagsi-shooting ng pelikula, everyday siya sa Eat Bulaga. Tapos, Party Pilipinas kapag Sunday. May time pa ba siya for herself? “Oo, siyempre naman. Kailangang may time ka for yourself. May time ka to rest.”
PAREHONG VOCAL sina Rhian Ramos at KC Montero na inspirasyon nila ang isa’t isa. Masaya na raw sila na gano’n muna ang estado ng kanilang samahan.
Tanong nga namin kay Rhian last time na makakuwentuhan namin, lalo bang lumalalim ang espesyal nilang pagtitinginan habang tumatagal? “I don’t really know,” nangiti niyang sagot. “Basta happy naman.
“At saka… wala. Gano’n pa rin. Parang inaasar kami ng mga kaibigan namin! Hahaha! Pini-picture-an nila kami. Magkamukha raw kami ni KC.”
Bagay naman nga sila. A perfect showbiz couple kung sakaling maging sila na nga. “Ewan ko. May mga nagtu-tweet nga nang gano’n. And thank you kung gano’n. So, that’s nice naman. I’m careful about it,” patungkol niya sa sunod na pakikipagrelasyon kung saka-sakali. “Kasi nga, uhm… you know parang feeling ko, after everything parang nakita ko ano ‘yong talaga kong priority. Na ‘yong priority ko talaga, ‘yong trabaho. So, parang mas careful ako sa ibang mga aspects sa life ko. Na ‘yong other parts ng life ko, medyo I take it slow. More on nasa work ‘yong focus ko, eh.”
Happy rin daw siya na positibo naman ang feedback ng nakararami sa closeness nila ni KC. “I’ve heard all good things. It’s all compliments. So, ayon! It’s nice. Parang I would still rather take my time.”
Nabanggit ni KC before na may plano si Rhian na makipag-joint venture sa mga negosyo nito. At malamang nga raw ay sa garments business siya unang makisosyo. Uhm… it takes time kasi para… kasi marami rin silang hina-handle na companies din. And it takes time for me para malaman ko kung saan ako mag-i-invest. Kasi, pinaghirapan ko rin naman ‘yong pera ko!” tawa ulit niya. “Hindi ko puwedeng basta-basta ilagay sa isang bagay na hindi ko forte. And ako kasi, feeling ko mas passionate ako sa damit kung ano… street wear. So, mas mag-i-invest siguro ako sa isang brand na mas casual. Ayon. At saka ‘yong medyo pambagets. Pinag-uusapan na namin (ni KC at iba pang business partners nito) ang tungkol do’n. Pero… talks pa lang,” sabi pa ng aktres.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan