Wala namang masama kung trip ang magyosi pero kung hindi na ito kerebels ng mga katabing utaw, baka naman kailangang magpasing-tabi. Ito ang unsolicited opinion ng mga miron para sa bida at pinagpipitaganan nating yosi-kadiri legislator.
Sa mainit-init na tsismis na nasagap ni Chikadorang Malupet, isa raw solon from the House of Reps ang topic of conversations sa isang coffee shop sa Congress.
Ang tsismis, hirap na hirap na raw yatang kumawala sa pagkaadik sa yosi si Kong.
Dahil siya mapakali kung walang nakasiksik na yosi sa pagitan ng kanyang mga labi.
Isang miron ang hindi napigil ang sarili na mag-comment ng experience nito with our bidang Kong. Nakipaghuntahan daw minsan si Kong sa pips from the media at napatambling daw ang mga utaw sa ginawa niya. Kumakain raw kasi noon ang mga utaw sa isang salo-salong sponsor niya at hindi niya napigilang maghithit-buga na para bang pati ang baga ng iba, eh, pag-aari niya. Tiniis na lang daw ito ng pips from the media kesa naman daw manginig si Kong kung hindi siya makatikim ng vitamins niya, ‘no. Ang hindi raw kinaya ng powers ng mga miron, eh, nang gawing
ashtray ni Kong ang mismong platong kinakainan niya in front of the madlang pipol.
Bago pa man daw maupos ang kanyang precious yosi, sa plato niya ito pinapatay. Ang matindi pa raw, para wala lang nangyari dahil sa mismong platong ‘yun din niya nanamnamin ang kanyang delicous dessert. Oh, Kong so sweet, sana lang ‘wag kang sumabit sa ‘yung hard-core rakets.