IT IS never easy to say goodbye. But as they say, some good things never last. Ito ang puwede mong ilarawan ngayon kina KC Concepcion and Piolo Pascual who have finally ended their relationship. Tinapos na ni KC ang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa isyu ng kanilang hiwalayan. I interviewed KC and she was in pain throughout the interview. Hurt was written all over her face.
Naging opisyal daw silang mag-on last October 21, 2010 pero 18 years old pa lang siya ay niligawan na siya ni Piolo. He courted her for two years na on and off. Kinilala siyang mabuti ni KC simula nang magkasama sila sa Lovers in Paris. Piolo came back to her April 2010 and he asked KC on her birthday to give him another chance. Nagpakatotoo lang naman daw siya sa kanyang sarili. “Tingnan ka lang ni Piolo ng konti eh, talaga namang as a girl, kikiligin ka. As I always say, ikaw ba ligawan ka, ikaw ba ligawan ka ni PJ or somebody na kasimbait niya or somebody na ganyan kaguwapo?” It was her first showbiz relationship. The best thing is that natuto raw siya at naging mas mature sa kanilang relationship.
Marami raw naklaro sa kanya na mga bagay na kaya at ‘di niya kayang gawin. “Bilang babae. Na minsan kailangan mo ring intindihin ang sarili mo kasi bigay lang ako nang bigay. Saka iniintindi ko lahat, Tito Boy. Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi ako nang intindi, tinatanggap ko lang nang tinatanggap, iyon pala hindi pala dapat ganon,” pag-amin ni KC.
Nagsasalita raw siya ngayon dahil kailangan niya itong gawin para sa kanyang sarili because there were many things that happened in the past. Hindi siya mahilig magkuwento ng kanilang problema sa iba hangga’t kaya pa niya. Pumapasok daw siya noon sa The Buzz every Sunday or sa ASAP na kunwari okay lang lahat because she thought hindi naman kailangang malaman ng ibang tao para maayos ang problema. Pero pagdating ng commercial break ay nagkukulong siya sa banyo.
KC had a hard time answering why she broke up with Piolo. May mga hinahanap siya na hinahanap ng isang girlfriend sa isang lalaki. Lahat daw ay kinaya niya. “Kung may anak siya tinanggap ko iyon. Tinanggap ko iyong anak niya. Kahit may mga times na hindi ko siya naiintindihan, tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya iyon. Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na dapat ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na parang ‘di ko na kaya, hindi ko na kayang tanggapin.” She admitted that it was also her fault kasi ginusto niya. Sobra raw siyang nagtiwala. KC did not answer if there was a third party involved.
Hindi niya alam kung paano naging galit iyong pain at sama ng loob niya. “And then siya parang natatawa lang siya ‘pag nakikita kong ini-interview siya. Dinadaan na lang niya sa joke na parang ako, ‘Bakit ikaw ganyan? Ako ganito? Bakit parang hanggang sa huli mag-isa lang ako dito? Ano’ng sasabihin ko sa pamilya ko? Ano’ng sasabihin ko kay mama na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi? Kasi ‘pag sinabi kong hindi na, magtatanong siya, bakit? Ano’ng isasagot ko sa kanya? Ano’ng isasagot ko sa lola ko na mahal na mahal siya?’ Hindi ko masabi kasi, eh hindi ko talaga masabi, Tito Boy, sa kahit na sinong tao kung anong nangyari.”
Piolo said sorry to her. She gave him several chances pero pagdating sa pangwalo ay naisip ni KC na hindi lahat ng problema ay nadadaan sa kilig. Sobrang challenge daw when they were in the US for a series of concerts. Sinabi ni KC that Piolo knows exactly why they broke up. Sa araw-araw nilang magkasama roon ay para raw isang tug of war.
Humuhugot daw siya ngayon ng lakas sa Diyos. It was her first time to pray na ganito kasobra. Naniniwala si KC ‘pag sinasabi ni Piolo na minahal siya nito. “Pero masakit mang sabihin, hindi ako iyong… siguro nag-fail din ako dahil hindi ako iyong kailangan niya sa buhay niya. Or hindi ako iyong hinahanap niya sa buhay niya, and hindi ko maibigay sa kanya iyong kailangan niya.” They are now civil with each other. What’s the most important lesson she learned as a woman? “Magtira ka para sa sarili mo at ang tiwala na ibibigay mo sa taong mamahalin mo dapat alagaan ng taong mahal mo.” Her one wish? “Na makahanap talaga ako ng true love!” sabi niya sabay tawa.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda