NAK’S, GRABEH na ‘toh! Tingnan nga natin ang istoryahe ni Dong DJ Charlie.
Bale kilala siya ngayon para sa kabataan, kung paano siguro sila pinakikisamahan ni DJ Charlie. Kung ano ang love affair ng mga tao na inilalabas sa radio program niyang Istoryahe. Tapos ‘yung kanilang mga problema.
Ayon sa kanya nagsimula siya sa radio noog 2001 bilang GMA artist sa Davao at dinala niya sa GMA Manila. “Six years akong naging DJ. Bale ‘yun ang kauna-unahang radio show ko.”
Matapos maging GMA Artist, nag-handle siya ng banda, ‘yung kumanta ng ‘Charing’, dagdag pa niya. Kinuha siya ng ABS-CBN sa Gen. Santos kaya sumikat siya sa GenSan sa ‘Wanted: Perfect Pangga’. Naging no.1 show ito sa no. 1 station. Hanggang sa inimbitahan siya ng Tambayan 101.9. “Napadpad ako sa Maynila noong 2009. Na-launch ako sa ASAP. Then right after launching, binigyan ako ng sariling show ko, ‘yung ‘ma-ting’ show na di-nub siyang Tambayan. So, ‘dun nag-start ‘yung career ko. Kasi ang image ko sa radio is funny at ang expression na pinasikat ko sa Maynila eh, ‘yung ‘Istoryahe’. Istoryahe ‘yung parang kung gusto mo akong kausapin. Nangungulit ‘yun, ‘yung kapag may ayaw kang kausapin na tao, p’wede mong kulitin. Patawa approach.”
Hindi nagre-record ng tawa itong si Charlie or gumagamit ng ‘stinger’. Tumatawa lang siya ng parang crazy at aniya, “’Yun, nanibago sila that time’. Kasi nasa FM sila. Kahit mga ka-cheapan sa buhay minsan ang usapan at pang-emosyonal. ‘Pag hindi ko kasi iniiyak, ‘pag depressed ako, pag stressed ako, para akong magkakasakit.”
Pero sa pagiging komiko ni DJ Charlie, lingid nito pagkatapos ng kaniyang pagho-host sa radio, “Oo, kaya kapag may problema ako, iniiyak ko after. Medyo conservative ako. Twelve (12) years na akong DJ, eh. From 2001 hanggang sa kasalukuyan. Magandang na-ging Manila DJ ako, ‘yun lang naging sobrang madami akong naging experience from Manila kasi pro-binsyano ako, eh.”
Wow, huh! Mukang Maalaala Mo Kaya ang dating ng kuwento. Well, at the time na binibigyan ka ng problema, sample, ako tinawagan kita, tinira lang kita kunwari. Tapos at that time ano ang mararamdaman mo? “Ako kasi ‘pag trabaho, trabaho. Kasi ako binabanatan din ako sa radio; kalbo, panget ako. Maraming bloopers sa buhay ko sa radio at sa trabaho ko. Dapat lunukin ‘yung mga dapat lunukin. So, ‘pag nag-o-off the air, back to normal na ‘yung buhay ko.”
Hehehe! Grabeh! Pag on-air tatawagan ka at iinsultuhin or ite-text ka. Naks, ewan… hehehe! ‘Wag mo ngang patulan, i-comedy mo na lang. Ano ‘yung mga call na nae-encounter mo? “Syempre about love. Sexlife ganyan. Ngayon, actually sir, ang pinakaayaw ko lang sa radio career ko eh, maraming indescent proposal, kasi naririnig nila ako on-air sa voice namin. Ayun nga may mga lumalandi, minsan mga bakla, minsan mga babae. Ang lumalabas sa nakikinig sa amin eh, may in between sa amin. So, kapag questionable kami, ayun may mga indescent proposal. Marami, halo-halo, may iba’t ibang offer.”
Sa General Santos ipinanganak at bagama’t laking hirap itong si Charlie, ito naman ang kanyang naging puhunan sa kanilang labindalawang magkakapa-tid. “Hindi ito naging hadlang. I’m the 9th among 12 members, so sobrang hirap namin, walang mama, walang tatay, walang kapatid sa tabi.”
Buti hindi ka pa nanliligaw? “Nasaktan po kasi ako sa isang relationship at the age of 21. Kasi muntik na akong mag-asawa noong 21 ako. Kasi nagkaroon ako ng caller na sobrang nagka-relasyon talaga kami. Nang malaman ko ‘yung mga itinatago niya na mga lihim sa buhay, na-discourage ako. ‘Yun, ‘di na ako nag-relationship, sabi ko sa sarili ko. ‘Yun ang dahilan kaya ako nagpakalbo, bigo! Kasi may buhok ako dati, hehehehe! Kaya it’s a part of my new image.”
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For e-mail: [email protected], [email protected], cp 09301457621
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia