PUMANAW NA ang singer-actor na si Sonny Parsons sa edad na 61 nitong hapon ng May 10, 2020. Binawian ng buhay si Parson dahil sa atake sa puso.
Jose Nabiula sa tunay na buhay, si Sonny ay dating miyembro ng sikat na all-male sing-and-dance group na Hagibis noong dekada 80.
Inatake si Parsons habang nakasakay ito sa kanyang big bike sa Batangas papuntang Quezon Province.
Noong 1970s to 1980s, Parsons together with other Hagibis members Bernie Fineza, Mike Respall, Joji Garcia and Mon Picazo founded the famed Hagibis group. Kabilang sa kanilang mga naging hit songs ang “Legs,” “Babae,” “Lalake” at “Katawan.” Ang “Katawan” ay ginamit na theme song ng ABS-CBN sitcom na “Palibhasa Lalake.”
Bukod sa pagkanta sumabak din noon sa pag-aartista si Parsons.
Taong 1981, bumida ang Hagibis sa pelikulang “Legs Katawan Babae.” Nakasama rin si Parsons sa action film ni Ronnie Rickets noong 1989 “UZI Brother 9mm.” Nagprodyus at nagdirek din siya ng sariling pelikula na siya ang bida taong 1997 na ang title ay “Bala Para Sa Katarungan.”
Huli siyang napanood sa TV nang mag-guest siya bilang kontrabida sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin noong 2017.
Sinubukan din ni Parsons ang pulitika at nahalal siya bilang konsehal noon sa Marikina.