Hindi na siguro maiaalis ang age-old notion na hindi nawawala ang illegal drugs sa isang banda lalo na’t ang genre ng music, e, rock alternative.
Kung minsan, idine-deny ito ng mga taga-banda pero kadalasan naman, e, inaamin ito ng mga personalities sa banda. Ang kanilang primary reason: kailangan daw kasi nila ng additional hype sa kanilang energy kapag sila, e, nagpe-perform.
May nakapagbigay sa amin ng mga litrato ng alternative rock artist at regular co-host sa SOP Fully-Charged na si Miguel Escueta kung saan kasama niya ang kanyang band mates sa isang undisclosed place na may mga paraphernalia ng drugs.
Bukod sa mga drugs paraphernalia, makikita rin natin si Miguel na may hawak na bote ng beer at sigrilyo na parang pagod at parang naka-take ng drugs.
Kung hindi kami nagkakamali, ang mga kasama niya sa litrato ay ang kanyang mga band mates na lumalabas din sa SOP sa kanyang ‘rakista’ segment.
Durugista ba ang Atenistang si Miguel Escueta at ang kanyang mga band mates?
Kung sabog man sa illegal drugs si Miguel at ang kanyang mga kasama sa mga litratong ito, kayo na lang ang humusga, mga Kaparazzi.
To be fair ay sinubukan din naming kunan ng pahayag ang kanyang manager na si Arnold Vegafria pero as of press time, e , hindi pa rin siya nagre-reply sa aming mga text messages.
Parazzi Wires Photos
Parazzi Chikka
Parazzi News Service