Sosyalerang aktres, hindi deserving sa kanyang acting award – Ronnie Carrasco

NOTE: I’ll do a Startalk’s Da Who?

SUBJECT: Non-aktresa nambraso ng award? Da who ang sosyalerang aktresang ito na wagi sa kategoriyang feeling ng marami, wishing niya deserved? And why? Alam naman kasi ng buong industriya na hindi naman siya kagalingan bilang aktres, if not hindi naman siya talagang magaling.

Tandang-tanda pa raw ng staff na katrabaho niya na kung ilang takes ang hitad sa kanyang mga eksena, only to see her emerge as the pinakabonggang aktresa sa kanyang performance? Teka, kakabug-kabog ba ang kanyang acting to earn her first acting award ever in her more than 20 years in the business?

Da who ang aktresang itetch na never namang umangat ang acting, kundi sinuwerte lang (read: may tinawag na “sleight of hand”)? Isyogo na lang natin siya sa neymsung na Barbara Garrucho!

AKTIBONG VOTING MEMBER ang kaibigang Gorgy Rula ng PMPC, nagkataong deliberations para sa idaraos na Star Awards for TV nitong Sabado kung kaya’t no-show siya sa Startalk.

Buong ningning na inamin ni Tito Gorgy that he inhibited himself nu’ng pinagbobotohan na ang Best Showbiz Oriented Talk Show, which was a toss between Startalk and Showbiz News Ngayon (SNN). Natural nga namang i-rah-rah-rah ni Tito Gorgy (head of Startalk research) ang aming programa irrespective kung anumang show ang kalaban nito, but he chose to keep his silence.

Then came the choice for the Best Actor in a Single Performance. Marubdob na ipinaglaban ni Tito Gorgy ang pagganap ni Joross Gamboa sa Maalaala Mo Kaya. Katuwiran niya, it wasn’t about network affiliation, all he believed was Joross’ topnotch performance over the others.

Bago ko ito nalaman, nai-text na ni Becky Aguila na nagwagi na sa nasabing kategoriya ang alaga niyang si Joross. Ipinagmalaki rin ni Becky ang pagkapanalo ng isa pa niyang alaga, si Valerie Concepcion.

I’m talking about two characters here, not the winners, kundi si Tito Gorgy at si Becky who are “silent enemies.” Kung saan man nag-ugat ang kanilang aversion towards each other is beyond Star Awards for TV.

Somehow, we’re surrounded with elements in the universe na mahirap ipaliwanag. Here’s hoping that Tito Gorgy and Becky can turn hate into love.

SA AMININ MAN o hindi ng kampo ni Senator Noynoy Aquino, minus points ang kanyang absence sa ikalawang bahagi ng Isang Tanong Ang Presidential Forum ng GMA-7 aired last Sunday. Tulad ng aking inaasahan, strike 2 na si dating Defense secretary Gilbert Teodoro sa kanyang malinaw na pagpapaliwanag ng mga dapat unahin ng bagong pinuno.

Where was Noynoy? Kumbaga sa gitna ng laban, at sa forum man lang, ay bumitaw na siya… how much more in the coming months kung kelan nais mapakinggan what lies beneath his scalp?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAng Twit Mo: Cristine Reyes
Next articleClickadora: Kim and Gerald’s Sizzling Dance Act!

No posts to display