HINDI KAMI MAKAPANIWALANG malupit pala sa alalay itong si Nina. Nakausap mismo namin ang kanyang road manager/ alalay for 3 years. Ikinuwento nito kung paano siya tratuhin ng Soul Siren. Everytime raw na may gig sila, out of town show or Metro Manila, two hundred pesos lang ang allowance na ibinibigay ng ex-girlfriend ni Nyoy Volante sa kanya. Sa maliit na halagang ‘yun kukunin ang pamasahe at pagkain sa maghapong pagtatrabaho. Hindi bale sana kung palaging may free lunch at dinner ang alalay nito.
Kadalasan pa, inuumaga sila nang pag-uwi ni Nina. Ang pobreng alalay wala nang natira kung hindi barya-barya pagdating niya ng bahay. Wala rin konsiderasyon ang manager ng magaling na singer, ito pa raw ang nag-suggest na 200 lang ang ibayad sa kanya. Ang katuwiran nito, libre pagkain naman daw at libreng makakita ng artista. May ganu’n?
Kahit ganoon ang trato sa kanya ni Nina, nagtiyaga pa rin ang pobreng alalay. Tinitiis ang puyat at pagod para kumita ng kaunti pambili ng gamot at pagkain nang inang may sakit. Nagbabaka-sakaling dumating ang araw na ma-realize ni Nina na dagdagan ang binabayad sa kanya bilang tulong sa kanilang mag-ina. Saan makakarating ang two hundred pesos sa panahong ito?
Sa totoo lang, nasa one hundred thousand plus ang talent fee ni Nina per show. What more pa sa mga provincial tour, mas malaki ang raket nito. Hindi kabawasan ang kaunting dagdag na halagang ibinabayad niya sa kanyang alalay. Bagkus, makakatulong pa siya at mapapaligaya pa niya ang matandang may sakit ng kanyang alalay.
Bakit nga
ba nag-titiis itong si alalay na magpaka-alipin sa
maliit na halaga lamang?
“Medyo may edad na po tayo at wala naman akong natapos. Wala naman po akong alam na trabaho kaya pumasok akong alalay ni Nina. Napakahirap pong maghanap ng trabaho, ito lang ang alam ko. Sa ngayon po umalis na ako sa kanya,” sey ng alalay ni Nina.
Dumating pala sa punto na humingi ng tulong ang alalay kay Nina. Nangangailangan ito ng P1,500 para pambili ng gamot ng inang may sakit, pero walang tulong na ibinigay sa kanya ang dalaga, deadma lang daw ito. So, napilitan ang pobreng alalay na tawagan si Chuck Gomez na publicist ni Nyoy Volante. Hindi ito nagdalawang-salita, agad binigyan ng datung ang dating alalay ni Nina.
SOSYAL ANG CORONATION night ng Ms. Javier 2011 sa Javier, Leyte last May 27, Friday na ginanap sa Javier Municipal Gymnasium. Fabulous ang production design, thanks to Lito Topia who directed the show. Naggagandahang mga binibini mula sa iba’t ibang barangay ang nakilahok sa patimpalak na ito. Seventeen candidates ang napiling maglaban-laban for the title. Ang over-all chairman sa nasabing beauty pageant ay ang butihing kabiyak ni Mayor Sandy na si Karen Javier.
Tumayong emcee ang magkapatid na Mike at Mark Javier (mga anak ni Mayor Sandy). Nagbigay-aliw at saya ng gabing ‘yun ang RNB Princess na si Kyla na malapit na palang ikasal sa boyfriend niyang basketball player at ang bandang The Dawn. Hanep pala kung mag-perform ang band na ito, to the highest level, bigay-todo talaga!
Ang nasabing bonggacious event ay handog ng The Sangunian Federation of Javier, Leyte in cooperation with the Local Government Unit of Javier, Leyte. Nakiisa rin si Governor Jericho Icot Petilla kay Mayor Sandy to grace the special occasion. P100,000 ang cash prize ng nanalong Ms. Javier 2011.
Top 5 winners, 1st runner-up, Ms.Thea Isabella M. Anco, 2nd runner-up, Ms. Hershy Dagongdong, 3rd runner-up, Ms. Roseanne S. Cabia, 4th runner-up, Princess Joy Tomines.
Best in Swimsuit, Ms. Princess Joy Tomines, Best in Talent, Ms. Fiona Bangoy, Best in Gown, Ms. Princess Joy Tomines and Ms. Photogenic, Ms. Mary Elizabeth Locandazo.
Ang tinanghal na Ms. Javier 2011 ay si Ms. Fiona C. Bangoy. Sina Mayor Sandy Javier at Governor Jericho Icot Petilla ang siyang nag-abot ng cash prize, plaque at nag-crown sa winner. Nang dahil sa success ng beauty contest na ito, itataas ni Mayor Sandy to P200,000 prize ng magiging winner for Ms. Javier next year.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield