SABI NA NGA ba namin, present ang beauty ng actress na si Angel Locsin sa game ng Azkals laban sa Sri Lanka sa Rizal Stadium. ‘Di magkandaugaga sa katsi-cheer si Angel with her friends. Inspired si Phil kasi dalawang puntos ang nagawa niya sa 5-0 na nakuhang panalo ng Azkals.
Katunayan after the game ay nagkaroon ng victory celebration ang team sa Manila Hotel. Hinalikan ni Angel with matching hug ang football player na nasa cloud nine. Pero wait lang, ang tanong: Hindi kaya gimik lang ng dalawa ang pagiging inlababo kuno ni Phil sa actress. Ang siste baka kaya naman pinalabas na may gusto itong si Phil sa actress sa kadahilanan na may commercial ang dalawa na sardinas.
Sus, ano ba ‘yan? Parang hindi tuloy kapani-paniwala na gusto ng player si Angel Locsin. Gimik nga ba?
Pero inimbitahan muli ni Phil si Angel na manood ng kanilang game sa July 24, na gagawin naman sa Kuwait. Wow, bongga! Pagbigyan naman kaya ng actress ito? Abangan.
Pero wait lang, how true na crush ni KC Concepcion si Phil?
NAKAUSAP NAMAN NAMIN si De La Salle Green Archers player, Simon Atkins hinggil sa kumakalat sa apat na sulok ng basketball court na sila na ni Kim Chiu.
Ayon kay Simon, hanggang ngayon daw, hindi pa sila nagkikita nang personal ni Kim. Hanggang Twitter nga lang ba ang dalawa? At ‘eto pa, itinanggi ng binata na nililigawan niya ang aktres. Friends lang daw talaga silang dalawa.
Sige na nga naniniwala na ako, pero habang kinakausap namin si Simon, napansin naming nagtu-twinkle ang kanyang mata habang pinag-uusapan si Kim.
SAMANTALA, OPENING NA rin sa darating na Sabado ang UAAP 74th Season na gagawin sa Marikina Sports Complex. Sa unang pagkakataon, hindi magkakaroon ng game sa opening ng naturang tournament. Mala-Olympics daw ang mapapanood, kung saan ang Ateneo Blue Eagles ang siyang host ng taon.
Ang mga teams na kalahok ay ang Ateneo de Manila University Blue Eagles with coach Norman Black, De La Salle University Green Archers with coach Dindo Pumaren, Adamson University Soaring Falcons with coach Leo Austria, UST Growling Tigers with coach Pido Jarencio, National University Bulldogs with coach Eric Altamirano, University of the Philippines Fighting Maroons with head coach Ricky Dandan, University of the East Red Warriors with coach Jerry Codiñera, at ang Far Eastern University Tamaraws with coach Robert Flores.
Sino nga ba ang malakas ngayon sa tournament? Ayon sa mga coach na nakapanayam ng Sports Bizz, ang Ateneo at ang Adamson na pawang mga intact ang players. Hindi naman magpapahuli ang UST at FEU na posibleng maka-ungos sa final four.
Note: Sa lahat na mga tagatangkilik ng Sports Bizz, may pagkakataon na kayong magkaroon ng jersey at bola ng inyong favorite players. Paano? Sumulat lang kayo sa amin dito sa Pinoy Parazzi at lakipan ninyo ng logo ng aming newspaper. So hurry, maging suki ng Pinoy Parazzi at ng Sports Bizz. Sa mga gustong mag-comment sa aking column, e-mail lang sa [email protected].
Malou Aquino
Pinoy Parazzi