PUWEDE maikumpara ang limang mga baguhan na mga bida sa bagong youth oriented movie ng Viva Films na Squad Goals.
Mahigit tatlong dekada matapos maipalabas ng Viva Films ang “Bagets” noong 1984 na nagmarka sa larangan ng pelikula para sa mga kabataan ang tema ng pagiging adventurous ng mga bagets, ang pagiging real at totoo nila sa sarili at magkaroon ng sense of belonging, ang hindi bumigay sa harap ng mga pagsubok sa pag-aaral, relasyon, at pamilya, at ang katuwaan maranasan ang mga ito kasama ng mga tunay na kaibigan – lahat ng temang nabanggit ay makakabuo ng isang makatuturang pelikula reason na inihahandog ng Viva Films ang pambagets na pelikulang Squad Goals ng multi-awarded filmmaker na si Mark Meily.
Fresh and new ang tinaguriang FBOIS ng Viva Films na binubuo sina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Dan Huschka, at Jack Reid na magkakaibigan sa kolehiyo. Mga college magkakabarkada na angnmgamkapilyuhan at kakulitan ang mabubuo ng pelikula ni Direk Mark.
Julian Trono is not new in the business na kilala sa partnership nila ni Ella Cruz plays the role of Benj, an Engineering student at may alyas na “Young D” bilang dance guru. Nililihim niya ang kanyang mga YouTube dance videos dahil tutol ang kanyang ama dito. Kinuha niya ang engineering course para makatulong sa kanilang negosyo.
While Vitto Marquez is Tom, an HRM student and varsity team captain at three-time MVP. Masyado siyang nakatutok sa kanyang nobya na tinuturing na “It Girl” sa eskwela. Ang ama ni Tom ay isang retired basketball player at artista naman ang kanyang ina. Sa tunay na buhay, si Vitto ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno and not to forget na isa din siya sa baguhang member ng ABS-CBN’s It’s Showtime #Hashtags.
Filipino-German Dan Huschka ay si Hans, isang mahiyaing music genius na napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkuha niya ng mga gigs bilang DJ. Alam niyang anumang oras ay pwede siyang isama ng kanyang ina sa Germany para makita ang kanyang ama, kaya pinipigilan niyang mapalapit nang husto sa kanyang mga kaibigan. Ngunit meron siyang isang babae na nagugustuhan.
Andrew Muhlach plays Nat, ang class clown at best friend ni Tom. Ang kanyang ama ay isang driver, at ang kanyang ina ay kasali sa networking business. Ngunit kung anong bilis niya sa kalokohan, ‘yon naman ang bagal niya sa pagpapakita ng kanyang pagkagusto sa isang babae. Sa tunay na buhay, si Andrew ay kapatid ng original “Bagets” superstar na si Aga Muhlach.
Last but not the least is Jack Reid who plays the character of Pads, isang Mass Comm student na nagtatrabaho bilang part-time bartender, kaya antukin sa klase. Siya ay pinanganak at lumaki si Australia at baluktot pa ang dila sa Tagalog. Tinuturuan siya ng isang dalaga na parang hindi apektado sa kagwapuhan niya. Sa pelikulang ito, nais ni Jack na mapansin siya dahil sa kanyang mga kakayahan at hindi lang dahil siya ay kapatid ni James Reid.
Sa pelikulang Squad Goals makakasama ng limang boys sina Ella Cruz, Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong at Victoria Pilapil.
Reyted K
By RK Villacorta