Star Music artist Martin Venegas, kakaririn din ang songwriting

Martin Venegas

HINDI NA LANG basta singer ang guwapong Star Music artist na si Martin Venegas na 17 years old pa lang ngayon. Kakaririn na rin daw niya ang pagsulat ng mga kanta. In fact, may 10 compositions na siya kaya lang hindi pa nailalabas.

Si Martin ang singer ng kantang “Miss” na available na sa lahat ng digital platform at napapanood sa Myx Channel. Ang director na si Henry Quitain ang tumatayong manager ngayon ng singer-actor.

 “Yung pagsusulat ng kanta, di ko naman po alam na may talent pala ako. Meron pong nagsabi sa akin na try ko daw pong magsulat, lately ko lang nalaman na iimarunong pala akong magsulat,” wika ni Martin.

Inspirasyon daw ni Martin sa pagsusulat ang ilan sa mga hinahangaan niyang underground artists partikular ang isa sa miyembro ng Ex Battalion.

“Parang mga ganun po yung mga sinusulat ko, ganun po yung genre ko. Kasi pakiramdam ko po do’n po talaga yung puso ko, eh,” katwiran pa ng binata.

Pero bukod sa underground music, gusto ring i-pursue ni Martin ang pop music.

“Kasi siyempre po, mas may kita sa pop. Pero  kahit ano naman po siguro, basta kung saan ako magiging sucessful. Pero ngayon po, siguro sa pagkanta muna ako magko-concentrate. Hindi pa naman po ako ganun kagaling magsulat,” sabay tawa ni Martin.

Para mas ma-hone ang songwriting skills ay sulat lang daw siya nang sulat ng kanta.

“Tuluy-tuloy lang po ako hanggang makasulat ako ng magandang kanta. Ang imporante po ay nasusulat ko ngayon kung ano yung aking nararamdaman,” he said.

Eh, ano ba gusto niya sa underground music?

 “Ano po kasi, eh, walang limit kapag underground ka. Malaya ka, lahat nagagawa mo, kung ano yung gusto mo, mailalabas mo. Eh kasi po, minsan kapag hindi underground, parang may limitasyon.

 “May sariling community po yung mga nasa underground music. Pero ang balak ko talaga, gawin yung music ko na puwede sa underground, puwede ring pang-ma sa,” sambit pa ni Martin.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleHINDI LANG SECOND LEAD: Kim Molina, bida na sa ‘Jowable’!
Next articleMATINO AT MAY ARAL: Marineros ni Direk Anthony Hernandez hindi ka-cheapang advocacy film

No posts to display