SABI NGA sa kanta, “Pasko, Pasko, Pasko, Pasko, Pasko na namang muli!” Kapag malapit na ang okasyon ng Pasko, kay raming nagaganap sa buhay ng mga Pilipino. Nariyan ang mga bata at feeling bata na kumakatuk-katok sa bawat bahay at nangangaroling. Nariyan ang pagbili ng mga makukulay na Christmas decorations gaya ng parol, Christmas tree, Christmas lights, at marami pang iba. Nariyan ang maagang Christmas shopping upang hindi maipit sa Christmas rush. Nariyan din ang pagplano ng mga Christmas party. Nariyan ang simbang gabi. At ang pinakabago at kasama na sa buhay ng mga Pinoy, lalo na ng mga bagets, ang Starbucks Christmas menu at Starbucks planner.
Taas-kamay ng mga bagets na hindi nakatikim ng Starbucks Christmas menu! Taas-kamay rin ng mga bagets na ni minsang hindi umasang makakuha ng Starbucks planner! Taas-kamay rin ng mga bagets na hindi nakakuha ng Starbucks sticker kahit isa! Halos walang magtataas ng kamay niyan, kung mayroon man, iilan lang. At malamang sa malamang, baka sa taong ito, magsisimula na rin silang mangolekta ng Starbucks stickers lalo na kung malalaman nila na ang Starbucks ay nakipag-collaborate sa sikat na sikat na Italian-based notebook brand na Moleskine. Kaya isa ito sa dahilan kung bakit kakaiba ang Starbucks planner sa taong 2016, dahil ngayon lang ginawa ito ng Starbucks, ang makipag-partner sa isang brand.
Nakita n’yo na ba ang Starbucks by Moleskine planners? Aba kay ganda! I-google n’yo na ngayon na, paniguradong mapa-lalaki o mapa-babae ay mahuhumaling sa ganda nito. Simple lang ngunit malakas ang dating. Moleskine pa!
Sa una ring pagkakataon, may dalawa rin ang size ng masabing planner. Ang large weekly planner ay may 176 na pahina at p’wedeng mamili sa green o white na kulay. Para sa mga minimalist d’yan, paniguradong matitipuhan n’yo ang small daily planner na may 400 na pahina at p’wedeng mamili sa pula o itim na kulay.
Ang Starbucks x Moleskine planners ay magiging available na sa Nobyembre 2. Ibig sabihin, p’wede na kayong magsimulang mangolekta ng Starbucks stickers sa araw na iyon.
Ganoon pa rin naman ang mechanics upang makakuha ng Starbucks planner. Kinakailangan n’yo lang makamit ang itatalagang dami ng starbucks stickers kapalit ang planner. Makakukuha kayo ng stickers sa bawat bili n’yo ng regular at Christmas drinks.
Kumuha muna kayo ng Starbucks promo cards, libre ito. Dito ididikit ang mga starbucks stickers na iyong makukuha. Kinakailangang makakuha ng total na 18 stickers, ang siyam doon ay stickers na makukuha kapalit ang pagbili ng siyam na Holiday Featured beverages at ang siyam naman ay kahit anong Starbucks Core beverage. Mayroon kang mula Nobyembre 2 hanggang Enero 7 sa pagkumpleto ng 18 Starbucks stickers.
Kaya mga bagets, ano pang hinihintay n’yo? Kung gusto n’yo makakuha ng limited edition na Starbucks x Moleskine planner, Nobyembre 2 pa lang, magsimula nang mangolekta ng stickers! Pero tandaan, huwag pipilitin kung hindi kaya. Dapat isaalang-alang din ang mga mas importanteng dapat pagkagastusan.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo